Stephanie's POV Pagkalipas ng nag-merienda ang mga bata ay pinapasok na namin sila sa loob ng Orphanage dahil malamig na ang hangin. Binuhat ni Carl si Dahlia at agad naman niyakap ng bata ang leeg nito. Sumunod kami sa mga bata. Pumasok ang lahat at kami ang nahuling pumasok ni Carl habang kalong niya si Dahlia. Kinuha ko si Dahlia mula sa kanya at napatda ako dahil sa pagdikit ng balat namin ni Carl pero ipinagsawalang-bahala ko muna dahil sa kagustuhang buhatin si Dahlia. "Careful babe." Aniya Tumango ako sa kanya na di lumingon. Basta niyakap ko si Dahlia at hinalikan siya sa kanyang ulo. Alam ko na itong linggo ay ang iskedyul niya na susunduin ng foster parents niya. Kung maari nga lang ay ampunin ko siya pero di pwede dahil matagal na nakapasa ng adoption na dokumento ang ma

