Carl's POV Pumasok agad ako sa main door at kinindatan ko lang ang mga guwardiya na naka duty. Sumakay ako ng elevator at agad akong pumasok sa loob bago pa magsara ito. Pagdating ko ng suite ay agad akong kinuha ang nais kong dalhin at gaya ng nakasanayan ang aking laruan na metal. Isinabit ko sa aking likod at pinasadahan pa ang buong suite bago ako tuluyang lumabas mula sa suite. Diretso ang pagpasok ko sa elevator dahil walang masyadong tao na gumagamit. Ako naman ang sumaludo sa mga guwardiya bago ako lumabas sa exit door. Nagtungo sa sasakyan ko at pinaandar ito. Kinabit ang seatbelt at nagsimula ko ng lakbayin ang daan. Dalawang oras ang nakalipas sa aking biyahe at nakarating na ako sa wakas. It's good to be back at home. Pinarada ko ang sasakyan sa garahe ng bahay. Pinatay ko

