Jeremiah 31:3 “I have loved you with an everlasting love; I have drawn you with unfailing kindness.” ***** With Mature Content Stephanie Pagdating namin ng kusina ni Carl ay may mga nakahain na mga pagkain sa mesa. Binaba niya ako ng maayos at pinaghila ng upuan. "Thank you, babe." Pasasalamat ko sa kanya ng umupo ako. Inayos muna niya ang buhok ko, nakalugay ako at may mga hibla ng buhok na napunta sa harap ko. Inipit niya ito sa aking tainga saka niya ako pinatakan ng halik sa aking ulo bago umalis sa aking tabi. Tumambad sa aking harapan ang mga nakahain na pagkain. Bukod sa dala namin mula sa opisina ni Daddy ay may iba pang putahe. Nagluto pa pala siya. Hindi ko naman paborito ang niluto pero masarap lahat. Kaya lang para sa akin ay mas masarap ang nagluto. Char lang! Saglit

