Stephanie's POV Ngumiti ako kay Lawrence at Carl. Nais kong matawa sa itsura niya habang nakatingin sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin ng pagiging seryoso niya? Mabuti na lang sa iba ang nakatuon ang atensyon si Lawrence at hindi makita ang tinginan namin ni Carl. Balewala lang naman kay Lawrence ang pagsunod ni Carl sa kanya. Umupo si Lawrence sa tapat ng aking mesa at nilagay ang mga dapat kong gawin na naipit sa may clipboard na ipinakita kanina. "Miss Stephanie, iwanan ko na ito sa 'yo. Tanungin mo lang ako kapag may di ka maintindihan. Good luck!" Tiningnan ko ang nakasulat at sa tingin ko naman ay kaya ko itong gawin. Tumango ako kay Lawrence. "I will do my best, Lawrence." "Great, Miss Alonzo. Ikaw pa alam ko na kaya mo na 'yan." Parang ni-cheer up niya ako. Ngumiti ako dahil

