Stephanie Hindi pa kami nakakapasok sa reserbasyon na mesa ay bumungad ang maliwanag at maaliwalas na mga ilaw na may iba't-ibang palamuti at kumikislap-kislap na siyang nagsisilbing liwanag sa labas at loob ng Cafe. Narito kami sa LCC na matatagpuan sa likod ng Manila Cathedral. Ito ay biglang naging kilala na isa sa mga may pinakamagandang view dito sa Metro sa pamamagitan ng social media dahil sa mga bloggers. Mula ng sumikat ay maraming tao ang nagpupunta dito, simple ang pamumuhay o mayaman man ay pwede rito. Nakakamangha ang roofdeck dito at maaliwalas ang ambiance dahil magiging backdrop mo ang Manila Cathedral Church habang kumakain. Nagbibigay ng alaala sa mga tao ang nakamamanghang tanawin ng makasaysayang monumento kapag kumain ka sa kanilang roof deck. Isipin mo na lang n

