Stephanie's POV Kahit alas-tres pa ako natulog ay nagising din ako ng alas-singko y media. Nasanay talaga ang katawan ko pagdating sa trabaho alam niya ang oras niya. Napaka faithful naman talaga ang katawan ko at isip ko sa trabaho ko. Oo, aba! Dahil maraming pamilya ang umaasa sa kumpanya kaya kailangan bumangon na. Umupo ako sa kama, nag-inat ng mga kamay at pumikit-pikit pa ako na nakatingala. Bumaba ako sa kama, pinatay ang lampshade at hinawi ang kurtina na nakatabing sa glass door ng aking unit. Pumasok sa kwarto ko ang liwanag ng bagong sibol na araw. Tinamaan ang liwanag ng aking katawan at napangiti ako. Maaliwalas ang umaga kasing aliwalas ng pakiramdam ko. Ilang sandali ay binalik ko ang kurtina at magpasya ng maligo. Mabilis ang aking pagligo at nagbihis ng pang-opisina.

