Carl's POV Sa wakas ay nakita ko ang lokasyon ni Stephanie. Isa sa lugar ng Norte at alam kong virgin forest ang lugar na ito. The heck! Habang nakatingin ako sa aking laptop at tinitigan ang nakasulat na lokasyon ni Stephanie ay mabigat ang pakiramdam ko. "Hold on babe, pupuntahan kita. Huwag silang magkakamali na sasaktan ka at papatayin ko sila!" "Hijo, calm down. You are still sick. Huwag mong pwersahin ang sarili mo." Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Daddy. Nawala sa isip ko na narito pa lang ang mga magulang ko. Lumingon ako sa banda kung saan ko siya narinig nagsalita ay nakita kong tulog na si Mommy samantalang si Daddy ay kasalukuyang nakaharap sa kanyang laptop. Alam ko narinig niya ang sinabi ko na akala ko ay sa isip ko lang sinasabi pero naisatinig ko pala. "Paano,

