Carl's POV "All nice and good," sa isip ko habang hinihimas ang isang baril na mahaba na nagmula sa kahon na aking binuksan. Ilang saglit ay may narinig na naman akong nag doorbell. Binalik ko sa kahon ang baril na hawak ko at tinulak ang kahon para itago sa ilalim ng kama. Inayos ko muna ang sarili ko saka nagtungo sa may pinto. Pagkabukas ko ay nabungaran ko ang mukha ni Daddy at Mommy. Talaga ang mga magulang ko ay malakas ang pakiramdam eh kaya siguro sila nandito. "Hi, Daddy at Mommy. Pasok kayo," ani ko saka ako nagbigay ng daan para makapasok sila. Diretso sila sa may sala at binuksan ang TV saka umupo sa mahabang couch. Ngayon ko lang napansin na nakasuot na sila ng pantulog. Pareho silang nakaupo sa couch samantalang mabagal ang paglakad ko na sumunod sa kanila. Ang pinagta

