"MAMA! Mama!” Inalis ni Georgette ang tingin sa monitor ng kanyang laptop at inilipat niya iyon sa anak nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Mukhang ang hyper nang anak sa sandaling iyon. “Bakit?” tanong niya ng tuluyan itong nakalapit. “Si Papa, Mama.” nakangiting wika ni Georgina. Bigla namang kumabog ang puso ni Georgette ng marinig niya ang pangalan na binanggit nito. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isipan ang sinabi ni Light sa kanya noong nakaraang araw. At halos hindi siya pinatulog no’n sa kakaisip. This past years ay akala niya ay pinirmahan ni Light ang annulment papers na ipinadala niya rito at ongoing na iyon. Hindi naman na siya nakibalita kasi umasa siya na makiki-cooperate sa kanya si Light noon na pipirmahan nito ang annulment papers. At sinabi naman niya

