"HERE is your food, Georgina." Wika ni Light ng mailapag niya ang pagkaing in-order niya. Pagkatapos nilang nagpunta sa skyranch at dinala niya ang mag-ina niya sa isang fast food para pakainin. Alam niyang ginutom ang mga ito dahil sa maghapon nilang pamamasyal. Lalo na ang anak na nagreklamo na gutom na daw ito, paano kasing hindi ito magugutom. Lahat ng rides ay sinakyan nito except do'n sa rides na hindi pwede ang bata. Sa isang mamahalin din sanang restaurant niya dadalhin ang mga ito pero ni-request nang anak na sa paborito nitong fast food chain na lang daw sila kumain. Mukhang favorite talaga nito na kumain sa Jollibee. "Thank you, Papa." Wika naman nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapangiti ng tawagin siyang Papa ni Georgina. Sa tuwing tinatawag kasi siya nitong Pa

