BEWARE: RATED SPG! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! INAYOS ni Georgette ang kumot ni Georgina ng masigurong mahimbing na itong natutulog sa kama nito. At bago siya lumabas sa kwarto nito ay hinalikan niya ang noo nito. "Goodnight, baby." She whispered. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng kwarto nito at dumiretso sa kwarto nila ng asawa. Pagdating niya do'n ay nakita niyang nakahiga na din si Light sa kama. At bago din siya humiga do'n ay sinilip muna niya si Baby Liam sa crib nito. Mahimbing na din itong natutulog, inayos din niya ang kumot nito saka siya sumampa sa kama. Pagkasampa niya ay nagmulat ito ng mga mata. "Oh, akala ko tulog ka na?" Komento niya ng sumulyap ito sa kanya. Umiling naman ito. "Hinihintay kita," sagot nito sa kanya. Ngumiti naman siya ng masuyo dito.

