PUPUNTA sana si Light sa kusina para kumuha ng tubig ng mapatigil siya ng marinig niya ang boses ng asawa na nanggagaling sa may kusina. Nang silipin niya ito sa loob ng kusina ay nakita niyang nakaupo ito sa stool sa may kitchen counter habang nakasapak sa kanang tainga nito ang hawak nitong cellphone. May kausap ito sa hawak nitong aparatu. Napansin din niya ang bowl na puno ng grapes sa ibabaw ng kitchen counter. At hindi napigilan ni Light ang mapatitig sa asawa nang makita na tumawa ito habang kausap nito kung sino man ang kausap nito sa cellphone. At simula no'ng malaman nito na nabuntis niya si Grizel ay ngayon lang niya ulit nakita ang asawa na tumawa, ngayon lang niya ulit ito nakitang masaya. Aaminin ni Light na, miss na miss na niya marinig ang tawa ng asawa, miss na miss na

