ABALA si Georgette sa pagba-bake ng banana bread. Tapos na din siyang magluto para sa lunch at para naman sa meryenda na lang ang niluluto niya. May bisita kasi siyang darating. Bisita niya sina Lauren at ang inaanak na si Rui. Inimbitahan kasi niya ang mga ito na bumisita sa bahay nila dahil nabo-bored na siya at wala siyang kausap. Nasa trabaho kasi si Light at kung minsan ay gabi-gabi na itong umuwi dahil madami daw itong ginagawa. At kanina, maaga din itong umalis sa bahay nila. Nagising na nga lang siya na wala na ito, nag-iwan lang ito sa kanya ng post it note at sinabing kailangan nitong pumunta sa opisina ng maaga. Malapit nang matapos ang bini-bake ni Georgette ng marinig niya ang tunong ng doorbell sa labas ng bahay nila. Mukhang dumating na ang bisita niya. Tinanggal niya an

