NAGKUNWARI si Georgette na natutulog pa ng bumukas ang pinto ng guest room at pumasok do'n ang asawa. Naramdaman din niya ang marahang mga yabag nito palapit sa kanya. Naramdaman din niya ang mabibigat na hininga nito at ang mainit na titig nito. Mayamaya ay umupo ito sa gilid ng kama. At ganoon na lang ang ginawang pagpipigil sa kanyang emosyon ng haplusin nito ng masuyo ang buhok niya. "I'm really sorry, Georgie." Sambit nito sa mahinang boses, mababakas din ang lungkot sa boses nito sa sandaling iyon. "Hindi ko intensyon na saktan ka, na lokohin ka. Hindi ko talaga sinasadya, Georgie. A-alam mo naman kung gaano kita kamahal." Sa pagkakataong iyon ay gumaralgal na ang boses nito. Ramdam din niya ang mabibigat nitong hininga na parang nahihirapan ito. Mahal mo pala ako pero bakit mo a

