°.¸¸.•´¯'» Dream 25: The Golden Promise Pakanta kanta pa ako pagpasok sa school kinabukasan. Maganda kasi ang gising ko ngayong araw. Ikaw ba naman ang i text ng crush mo na (Tommy pwede mo ba akong samahan mamayang alas singko sa mall. May bibilihin lang ako.) Text ni Nikka sa akin kanina. Syempre agad naman akong nag reply ng (Sure Why not! he he!) Ayoko ng mag isip pa akung bakit tila nagiging malapit kami ni Nikka this past few days. Biruin nyo binigyan pa ako ng regalo para sa darating naming Gradball. Then ngayon naman eh magpapasama siya sa akin. Kaya nga minsan eh iniisip ko rin na. Nag iba na kaya ang tingin niya kay Mr. L??? Aba malay ko don. Basta ngayon eh masaya ako kahit panandalian lang. Pagdating ko sa may eskwelahan eh agad kong nilapag ang bag ko sa aking upuan. Nand

