°.¸¸.•´¯'» Dream 31: Dance under the Moon Ano!!!!??? Gulat ni Arthur kinabukasan pag kakwento ko sa kanya ng lahat ng nangyari kinagabihan. Nakanganga pa ang bibig niya pagkatapos ng huling sentense ko. "Eh anong ginawa mo?'' Tanong niya kaagad sa akin na halatang atat na marinig ang aking isasagot. "Ehhh ano..." Pagpuputol ko na halatang nahihiya na mag kwento. "Eh ganto yun..." Hindi rin ako mapakali pagkabasa ng pangalan ko. Masaya ako oo syempre. Masarap kaya sa pakiramdam na mahal karin ng mahal mo. Ako pala ang sinasabi ni Nikka na mr. L. Pero ano nga ba ang L??? At bakit L? Agad akong tumakbo papaunta kila Nikka. Iniwan ko ang cellphone nito sa kanilang pintuan sabay katok ko. Nagtago ako sa may poste. Mula kasi duon eh dim light lang ang ilaw ng lamp post kaya hindi niya ako

