Chapter Thirty-eight "Mamaaaa!" gumuhit ang ngiti sa labi ko. Busy man ako sa paglalagay ng presyo sa mga paninda ay nakuha na agad ng anak kong kararating ang atensyon ko. Daig pa nito ang tumawag sa buong barangay. Agad kong itinigil ang ginagawa at lumabas ng tindahan. Binubuksan na ni Prim ang gate kaya naman lumapit na ako at ako na ang nagtuloy. Nang nabuksan ko ang gate ay agad kong niyuko ang anak ko at hinalikan sa pisngi. Binuhat ko rin ito. "Na-miss kita, anak!" humagikhik ang batang yumakap sa leeg ko. "Miss you too, mama ko." Pagkatapos humalik ng bata sa pisngi ko ay bumeso naman ako kay Prim. Si Dorcas na kinukuha pa ang gamit ng dalawa ay hinintay namin. Nang nakalapit ito ay saka naman kami lumakad papasok. Pero dahil may bumibili ay ipinasa ko muna si Avery kay Pri

