Chapter Twenty-three "Sobrang sarap ng 100k, Mackenzie!" anas ko pagkatapos tikman ang wine na dala nito. Idagdag pa ang masarap na steak na ito ang nagluto. Perfect! "I'm glad you like it," Mackenzie said. "Sana all afford ang 100k na wine para lang i-partner sa dinner," tinignan ako ni Mackenzie saka siya ngumiti. "Lia, mura pa nga iyan---" "Ay, hambog! Mura? Mapapamura ka d'yan, Mackenzie. 100k? Diyos ko! Bago ko maipon iyan sa pagtitinda ay kailangan magtubong lugaw ako sa mga paninda ko. Which is hinding-hindi ko naman magagawa." "Hindi ba ito mura?" takang ani ni Mackenzie na dinampot ang bote ng wine at pinagmasdan. "This is the cheapest one, Lia." "Wow! Cheapest? So, ano iyong bilog na shina-shot namin... poorest?" napabungisngis ang lalaki at umiling. "Forget it! Hin

