Chapter Thirty-one Nakatayo si Mackenzie sa balcony ng kwarto niya na nakaharap sa kusina ko. Tahimik itong umiinom doon ng beer habang busy ang isang kamay sa phone niya. Hindi ko maiwasang mapatingin. Nakatapis lang siya ng towel. Sobrang ganda ng hubog ng katawan niya. Naliliwanagan ito ng liwanag ng buwan at iyon ang nagbibigay ng dramatikong dating dito. Sobrang gwapo ni Baks. Gusto kong tikman... wait! Ano iyong sinabi ko? Seryoso ba ako roon? Napasabunot ako sa buhok ko. Umiling-iling. Baliw ka na, Lia. Hindi porke single na si Baks ay pwede mo nang pagpantasiyahan. Naging single lang iyong bading na kapitbahay mo ay nagkakaganyan ka na? Hindi papatol sa babae iyan, Lia. Wala sa sariling tumayo ako at pumasok ng banyo. May malaking salamin doon. Pinagmasdan ko ang sarili ko. "Wha

