Chapter Thirty-four "Mama, happy heart ni Avery. Saya roon po. Pwede sama ulit ako Tita Mama? Please po," kukuha lang ng gamit si Prim dahil babalik din ito ng farm. Mag-stay raw ito ng 2 days doon. Ngayon itong si Avery ay nangungulit na sasama raw ulit siya. "Anak, kung happy si Avery roon ay okay lang naman sa akin. Pero baka busy si Tita Mama. Baka may gagawin sila ni Tito Dorcas---" "Pwede kong isama si Avery. Pero 2 days kami roon, Lia. Kung sa akin lang ay siyempre gustong-gusto ko. Pero okay ba sa 'yo na maiwang mag-isa rito?" "Okay lang naman. Basta ikaw ang bahala kay Avery ha." "Sige." "Yehey! Sama Avery! Uncle Zie!" biglang nasingit ang Uncle Zie na kalalabas sa kusina niya. "Pota! Sobrang hot," siniko pa ako ni Prim habang nakatanaw sa lalaki. "Avery," malambing na a

