Chapter Forty-three Si Mackenzie ang may buhat kay Avery habang naglalakad kami pabalik ng cottage. Nakatulog ang bata. Hindi na talaga kinayang manatiling gising kahit man lang sa pagbalik sa cottage. "Huwag kang mag-alala... sa tabi namin ni Dorcas matutulog ang bata," nakakapit si Prim sa braso ko. May nais na namang iparating ang salita nito. "Ikaw, Prim, namumuro ka," bulong ko rito. "Parang gusto mo ng asawahin ko si Mackenzie---" "Ay, inaasawa mo naman na 'di ba?" pasimpleng pinalo ko ang braso nito. "Magtigil ka nga. Hindi seryoso itong amin ni Mackenzie," bulong ko. "s*x lang... friends lang kami." "Doon din kayo patungo." "Paano mo naman nasabi? Ikaw ba si Madam Auring?" pero ngumisi lang ito na para bang sure siya na magkakatotoo ang hula niya. "Prim, may seseryoso ba sa

