Kakulay ng suot na long-sleeve polo ni Uno na kulay gray ang kulay ng kalangitan. Makulimlim at nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan. Tila nakikidalamhati ang langit sa bigat at sakit na nararamdaman ni Uno na tuwid na nakatayo sa harapan ng isang puntod. Makikita sa mga mata nito ang labis na sakit at kalungkutan na nakatingin sa lapida kung saan nakaukit ang dalawang pangalan na kahit sa hinagap ay hindi niya naisip na maagang mawawala sa mundong ibabaw. Muling tumulo ang luha mula sa mga mata ni Uno. Kumuyom pabilog ang kanyang mga kamao. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Pakiramdam ni Uno, napakasama niyang tao dahil nangyayari ito sa kanya ngayon. “I-I’m sorry,” madamdaming paghingi nang tawad ni Uno sa dalawang taong nawala sa buhay niya. Si Kate at ang baby sana nilang

