Nakaupo sa swing si Lyndon at malayo ang kanyang tingin. Siya lamang ang tao sa playground kung nasaan siya ngayon. Dumadaloy sa isipan niya ang napag-usapan nila ni Kate. Nagtatalo ang kanyang isipan kung pagbibigyan niya ba ang hiling nito sa kanya o isasantabi na lamang niya. Hindi maiwasan ni Lyndon na mahabag para kay Kate. Tama nga naman ito. Isa rin itong magulang kagaya niya at ang mawalay sa anak ang pinakamahirap para sa isang magulang. Nagawa man nito ang isang bagay na para sa iba ay hindi katanggap-tanggap ngunit alam naman din niya na may dahilan kung bakit nagawa ni Kate ang bagay na iyon. Pero… Paano sasabihin ni Lyndon kay Timothy ang totoo? Paano niya ipapakilala sina Kate at Uno sa bata? Sa totoo lang, hindi pa alam ni Lyndon kung paano gagawin iyon. Marahas na nag

