Nasa loob si Uno ng kanyang kwarto. Nakatayo siya sa tapat ng bintana kung saan nagkukubli siya sa gilid nito. May hawak na binocular si Uno na nakatapat sa kanyang mga mata. Mula sa binocular, nakikita niya ang katapat na bahay, partikular sa isang kwarto na bukas ang bintana. Hindi buong nakikita ni Uno ang kabuuan ng kwarto pero sa tingin niya ay maganda naman ito. Kulay sky blue at puti ang kulay ng pader at nakikita rin niya ang mangilan-ngilang gamit sa loob gaya ng mesa at ang mga gamit sa ibabaw nito. May nakita pa siyang bookshelf na puno ng mga libro. Napangiti si Uno. Iniisip ni Uno na kwarto iyon ng anak niya na si Timothy. Gusto niya itong makita ngayong umaga. Wala siyang nakikitang tao sa loob ng kwartong sinisilip niya. Matiyaga siyang naghihintay. “Hay naku! Para nama

