Malalim na ang gabi. Nakahiga si Uno sa kanyang kama. Nakaunan ang ulo niya sa kanyang braso habang nakatitig sa kisame. Nakasilay ang ngiti sa labi ni Uno. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isipan niya ‘yung nangyari kanina sa pagitan nila ni Timothy. Pakiramdam nga niya, nasa bisig pa rin niya hanggang ngayon ang kanyang anak. Napakasarap sa pakiramdam niya na sa wakas ay muli niya itong nayakap. Hindi maitatanggi sa mukha ni Uno ang labis na kaligayahan. Sobra man siyang nag-alala dahil sa muntikan ng pagkapahamak ni Timothy ngunit iniisip din niyang naging daan din iyon para may magawa siyang kabutihan para dito kaya siya masaya. Mas lalong napangiti si Uno. Hindi nga niya sigurado kung makakatulog pa ba siya nito dahil sa totoo lang ay hindi pa niya ito nararamdaman sa ngayon

