SUZY'S POV "Suzy, may lalaking naghahanap sa'yo kanina pa." I frowned when Lea greeted me that pagkalapit ko palang dito sa counter. Kakatapos ko lang magdeliver ng mga order at ito na agad ang bumungad sa'kin. "Naghahanap? Sino raw?" "That pretty guy in that table.." she whispered sabay turo sa bandang likuran ko. Sinundan ko na agad ang direksiyon ng daliri nito, sa direksyon ng isang lalaking nakaupo sa isang table na nasa dulong bahagi ng Café. Konti nalang ang customers dito ngayon dahil malapit na naman ang uwian ng mga office workers so it wasn't hard for me to find that man in a baby blue shirt at a corner. A few empty cups were on his table kaya halatang kanina oa nga ito rito. Nakayuko ito habang may tinitingnan sa menu list but probably, he felt that someone was watching

