003

2010 Words
Kabanata 3 S U N N Y “Ikaw ba, Rain? Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?” si Marcus ang nagtanong no’n. Sunod-sunod akong umiling. Boyfriend nga hindi pa ako nagkakaroon, girlfriend pa kaya? Wala naman kasi akong panahon sa pakikipagrelasyon. Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Sa ngayon ang mahalaga lang muna sa akin ay ang pangarap ko na mukhang unti-unti ko nang naaabot kahit papaano. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nakapasok ako sa team na matagal ko nang hinahangaan at tahimik na sinusuportahan. “Pareho pala kayo nitong si Alistair na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend,” ani Marcus pa din. Napabaling ako kay Alistair na may ekspresyon na hindi ko maintindihan. Mukha siyang galit na hindi ko malaman, pero bakit naman siya magagalit sa akin, gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya? Saka bakit ko naman gagawan ng masama ang iniidolo ko? Baliw na ba ako para gawin iyon? Hinding-hindi ko magagawa 'yon, ano. Maybe ayaw niya lang talaga sa akin. Baka tingin niya ay hindi ako deserving makapasok sa team nila. Kung gano’n gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko ang sarili ko sa kanya. Hindi ako magiging pabigat sa team na ito kung iyon ang inaalala niya. Magsusumikap talaga akong mag-training hanggang sa makasabay ako sa laro nila. Lahat gagawin ko matanggap lang ako ni Alistair. I will be the best support for him. Ako na ang bahala sa’yo, Alistair. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko makasabay lang sa laro mo at ng buong team. Hinding-hindi ako magiging pabigat. “Pero kahit ganyan ‘yan matinik din sa chicks ‘yan. Kilala mo ba ‘yong streamer na maganda, iyong kita lagi ang dibdib kapag nag li-live stream? Alam mo bang chat ng chat kay Alistair ‘yon? Iba talaga ang karisma ni Joker. Kaya sa’yo ako, captain, eh!” Nakuha pang tapikin ni Kean ang balikat ng katabi. Iling lang ang naging tugon ni Alistair doon. Ang suplado talaga kahit kailan. Paano kaya ako nagkagusto sa supladong ito na parang laging may galit sa mundo? Dahil lang ba sa gwapo siya? S’yempre, hindi, ano! Hindi naman ako mahilig sa gwapo lang. Ewan ko gusto ko lang talaga siya noon pa kasi ang talitalino niya. Saka mahilig siyang mag-aral noon. Lakas lang ng dating sa akin ng mga lalaking masipag mag-aral. Pero kung sa bagay marami namang gwapo ding lalaki d’yan pero ewan ko ba, iba kasi talaga ang dating sa akin ni Alistair. Kahit suplado siya at hindi namamansin. Naalala ko noon, isa din ako sa mga babaeng naghuhulog ng sulat sa locker niya. Pero ewan ko kung binabasa niya ba iyon. For sure hindi, sa dami ba naman ng nagbibigay ng sulat sa kanya noon, saka palagi siyang busy sa pag-aaral niya no’n, kaya imposibleng pag-aksayahan niya pa ng oras ang pagbabasa ng sulat ng mga taga-hanga niya. Pero mabalik tayo sa sinabi ni Kean. May nagkakagustong streamer kay Alistair? Hindi naman na nakakagulat iyon dahil marami naman talagang nagkakagusto sa kanya at for sure madami ding nagcha-chat sa kanyang mga sexy at magagandang babae, pero ewan ko ba, naapektuhan pa din ako ng very-very light. Siguro normal lang naman ito dahil crush ko siya noon pa. Ang tanong, sino naman kaya itong streamer na ito na tinutukoy ni Kean? May mga kilala kong girl streamer na pasok sa description na sinabi ni Kean pero sa dami nila, di ko sigurado kung sino ba sa kanila ang nag cha-chat dito kay Alistair. Hindi kaya si Kate? Iyong nakalandian din noon ni Silver. Naalala ko siya din ang naunang nag-chat kay Silver noon bago sila naging fling. Pero matagal na 'yon. Nag-aaral pa kami no'n pareho ni Silver. Saka hindi naman nagtagal ang kung anumang namamagitan sa kanila ng babaeng 'yon. Malandi kasi si Silver kaya wala talagang nagtatagal na babae doon. Maganda si Kate at marami ding followers tulad ni Silver pero karamihan sa mga subscriber ni Kate ay puro mga lalaki. Ano pa nga bang aasahan mo sa isang babaeng maganda at sexy? S'yempre marami talagang taga hangang kalalakihan 'yan. Pero siya nga kaya talaga ang tinutukoy nitong si Kean? Madami naman din kasing sexy streamer, kaya baka hindi naman siya. Saka ano naman ngayon kung siya nga? "Si Katelyn ba 'yan, bro?" Si Marcus. "Oo, iyon na nga yata." Kean nodded his head. Pero mukhang hindi pa siya gaanong sigurado sa sagot. "Si Kitty Kate?" singit naman Dylan na biglang nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng babaeng iniisip ko lang kanina. So, tama nga ako? Si Kate nga talaga ang babaeng nag p-pm ngayon kay Alistair. Sa bagay, hindi ko siya masisisi kung type niya din si Alistair. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalaking katulad niya? Suplado pero napakalakas ng dating. Pero paiba-iba naman yata ng tipo itong si Kate. Akala ko ba ang mga tipo niya ay iyong mga katulad ni Silver? Eh, ang layo naman yata ng kaibigan kong si Silver dito kay Alistair. Ang laki ng pagkaka-iba nilang dalawa. Lalo na sa ugali. "Damn, bro! Jackpot ka do'n," Dylan said, seems envious. Maganda naman kasi talaga si Kate at sexy, kaya hindi ko siya masisisi kung naiinggit siya kay Alistair. "Snob-in lang 'yan ni Ali," Marcus said, shaking his head. Agad na sumang-ayon si Kean sa sinabing iyon ni Marcus. "Oo, tama. Hindi 'yan papansinin ni Alistair. Ang mga tipo nito ay 'yong mga mahinhin, conservative, saka malaki ang... puso. Di ba, master?" sabay siko ni Kean kay Alistair. Nagtawanan silang lahat kaya nakisabay na din ako, habang si Alistair naman ay tahimik na nakikinig lang. Hindi man lang nag-react sa sinabi ni Kean tungkol sa kanya. Wala man lang bang emosyon 'tong taong ito? Ang hirap sigurong kausap nito? 'Yong tipong magbibiro ka tapos di ka man lang tatawanan o papansinin. Muling bumalik sa akin ang tingin niya. Nag-iwas ako dahil baka mamaya makahalata siya na kanina ko pa siya pinagmamasdan. Hindi lang talaga ako makapaniwala na makakasama ko na siya palagi simula sa araw na ito. Noon, tumatakas lang ako sa klase para makita siya kahit saglit lang. Ngayon, araw-araw ko na siyang masusulyapan dahil magkasama na kami sa iisang bahay. Makikita ko pa siya ng bagong gising o kaya bago matulog. Nakaka excite lang. Siguro naman kahit sino ma-e-excite kung makakasama mo ang crush mo sa iisang bubong. Unli na ang silay at may chance ka pang mapalapit sa kanya kapag nagkataon. "Parang may kilala akong ganyan." Dylan's forehead creased. "Of course, ikaw pa ba?" si Bren sa tabi ko na umiling-iling pa. "Basta Sniper, asintado," dagdag pa nito sabay halakhak, at baling sa akin. "Huwag kang sasama madalas sa mokong na 'yan kung ayaw mong maimpluwensyahan 'yang isip mo ng katarantaduhan. Pinakabata lang 'yan dito pero magulang na 'yan pagdating sa kagaguhan," paalala sa akin ni Bren. Ngumisi lang ako at napa-iling. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sinabing iyon ni Bren gayong nasa harapan lang namin ang tinutukoy niya. Pero mukhang hindi naman napikon itong si Dylan. Tinawanan niya lang ang sinabing iyon ni Bren. "Huwag kang didikit d'yan. Baka malasin ka sa babae tulad niya," balik na pang-aasar pa nito habang mapanuyang tumatawa. Sinabayan nina Marcus ang tawang iyon ni Dylan. "Tarantado! Sinong nagsabi sa'yong malas ako sa babae? Nakakatamad lang lumandi, huwag mo nga akong itulad sa'yo." "Tamad lumandi o may hinihintay pa din?" may lamang sabi ni Marcus. "Ang bobo mo! Mag-iisang taon ka nang iniwan hanggang ngayon umaasa ka pa ding babalik 'yon?" si Dylan na hindi man lang yata marunong gumalang sa nakakatanda sa kanya. Kung matagal na ako dito baka nakutusan ko na ang batang ito. Nasa pangalawang taon pa lang sa kolehiyo ang lalaking ito habang kaming lahat dito ay tapos na sa pag-aaral. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin sa pagkaka-alam ko. Si Alistair kasing edad ko lang 'yan kasi ka-batch ko siya noong high school. Hindi lang ako sigurado sa iba pero alam ko malapit lang din sa amin ni Alistair ang edad ng mga ito. “Hoy, Dylan, narinig ko ‘yon, ah,” sigaw ni coach Ryan mula sa labas na ngayon ay pabalik na sa salas kung saan kami iniwan kanina. May kinausap kasi siya sa phone kanina kaya iniwan niya muna kami dito. Siya na ang bumatok kay Dylan para kay Bren. “Gago, mas matanda sa’yo ‘yan. Ano na lang iisipin nitong si Rain mga bastos tayo dito at hindi tinuturuang rumespeto? Ikaw pa naman ang pinakabata dito tapos ganyan ka magsalita sa mas nakakatanda sa’yo?” naiiling na bumaling sa akin si Coach Ryan. “Pagpasensyahan mo na itong bastos na batang ito, Rain.” I shook my head and smiled a bit. “Ayos lang coach.” Bumaling naman ako kay Bren na nanahimik na sa tabi ko. “Ayos ka lang?” Ngumiti ito kaya lumitaw ang dimples niya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit madami din ang nagkakagusto dito kay Bren dahil sa malalim niyang mga dimples. Ang cute naman kasi niya lalo na kapag ngumingiti. Siya pa ang pinakamakulit dito sa team, hindi lang halata ngayon dahil hindi siya masyadong nakikisabay sa usapan kapag babae ang pinag-uuspan. O, di ba, ang dami kong alam tungkol sa kanila kahit bago pa lang ako dito sa team na ito? S’yempre mga idol ko ‘yan, eh. Lagi kong inaabangan ang live nila. Lalo na ang napakadalang na live ni Alistair. Kahit hindi siya magsalita sa live niya. Mapanood ko lang siyang maglaro masaya na ako doon. Gosh! Baliw na yata ako. Baliw kay Alistair Coulter. Sinong hindi mababaliw sa isang katulad nito? Parang ipinanganak na perfect. Noon nga ang tawag ko pa sa kanya Mr. Perfect. Wala kasi akong makitang kahit katiting na kapintasan sa kanya. Well, siguro ang masasabi ko lang na panget sa kanya ay ang pagiging suplado niya. Ganito ba talaga siya araw-araw? I mean, hindi ba nakakapagod ang maging suplado araw-araw? "I'm fine, Rain. Sanay na ako sa mokong na 'yan, but thanks for asking," aniya nang nakangiti pa din. Ngumiti din ako pabalik sa kanya. Sabi ko na mabait talaga ang lalaking ito. Saka masiyahin pa. May pakiramdam ako na siya ang una kong makakasundo dito dahil mukhang pareho kami ng personality. “Mabuti pa magpahanda na lang kayo ng makakain kina manang para makakain na din itong si Rain,” ani coach Ryan. “O, kumilos ka na daw Dylan.” Ang isa pang mapang-asar na si Kean. “Bakit ako? Ayos ka, ah.” “Ako na lang. Huwag niyo nang asahan pa ‘yan,” presinta ni Bren sa tabi ko. Nilingon ko siya at agad na nagsalita. “Samahan na kita,” sabi ko. “Talaga?” Tumango ako. “O sige ba. Tara,” anito at inakay na ako papunta sa kusina para sabihan ang mga kasambahay dito na maghanda na ng makakakain. “Nakita niyo na, hindi na kayo nahiya kay Rain. Pinapakita niyo pa ang katamaran niyo. Parang pupunta lang kayo sandali sa kusina hindi niyo pa magawa,” rinig ko pang sabi ni coach Ryan habang papaalis kami ni Bren. “Pasensya ka na sa mga ‘yon, ah. Puro kalokohan lang talaga ang mga iyon pero masasanay ka din doon. Mababait naman ang mga iyon kahit gano’n. Madalas lang talaga kaming mag-asaran, kaya sana habaan mo ang pasensya mo. Basta pag ginago ka ng mga ‘yon sakyan mo na lang o kaya gaguhin mo na lang din,” sabay halakhak ni Bren. “Bakit sinasabi mo sa akin ‘’yan, mukha ba akong ka-bully-bully dahil maliit ako?” Tumawa siya lalo. “Uy, hindi ako ang nagsabi n’yan, ah.” Natawa na lang din ako. Ewan, nakakahawa ang tawa ng isang ito, eh. Para bang ang saya-saya niya palagi. Sana ganito na lang din si Alistair para hindi ako mahirapang maka-close siya. Iniisip ko pa lang na magiging malapit kami sa isat-isa ni Alistair hindi ko na maiwasang kiligin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD