Kabanata 36 S U N N Y Ganyan. Dapat palagi kang nakangiti. Mas bagay naman pala sa'yo ang ganyan, eh. Mas lalo kang gumagwapo. Hindi ko alam kung bakit ang damot-damot mo pagdating sa ngiti mo, eh ang sarap-sarap namang pagmasdan ng mga ngiti mong ganyan. Siguro ilang segundo din akong nakatulala lang sa kanya habang nakangiti hanggang sa muli siyang sumulyap sa akin. "Naglolokohan na lang tayo dito. Hindi mo naman sinasagot ng maayos ang mga tanong ko. Tama na nga 'to. Hindi na ako ulit magtatanong at mas lalo lang akong naguguluhan at mas lalo lang ding dumadami ang tanong sa isip ko sa mga sagot mo." Ngumisi siya habang nakatuon na ulit sa daan ang tingin. Tuwang-tuwa, ah. "Nanghula na lang sana ako dahil wala din naman akong maintindihan sa mga sagot mo." Pagdating namin sa baha

