Kabanata 45 S U N N Y "Gago! Bakit mo pa niligawan kung hindi ka pala seryosong kupal ka?" tila napipikon nang sabi ni Kean. "Bakit sinabi ko bang hindi ako seryoso? Gusto mo, di ba? Papaubaya ko na sa'yo," sabay ngising sabi ni Dylan. Parang lalong nag-init ang ulo ko sa bweltang iyon ni Dylan. Kahit kailan ang isang ito wala ng sinabing maganda. Lahat ng sinasabi niya ngayon puro kayabangan at pang-iinsulto lang doon sa nililigawan niya. Kung hindi naman pala niya kayang ipaglaban hanggang dulo, bakit niya pa niligawan. Obvious na obvious na hindi naman talaga niya ganoon ka-gusto si Carla. Gusto lang siguro isama sa mga koleksyon niya ng mga babae. Gago talaga! Hindi ko masisisi si Kean kung bakit pikon na pikon siya sa isang ito dahil kahit ako ay naiirita sa mga pinagsasabi niya.

