Rose's POV. Paghinto pa lang ng kotse ay nagmamadali na kong bumaba. Sinalubong ako ni Victor na halata ang pagka tensyonado. "Ano bang nangyayari?" tanong ko pero umiling lang sya. "Ma'am, mas okay po siguro kung umuwi na muna kayo, nasa loob naman na po si Sir Dawson" sabi nito sakin. "Are you kidding me? Unico hijo ko si Dylan, I have to see him!" mariin kong sabi. Kakatapos ko lang makipagkita sa mga amiga ko ng makatanggap ako ng tawag kay Keisha, umalis daw muna sya sa bahay kung saan pinilit ko si Dylan na patirahin sya. Pumayag naman si Dylan dahil paulit-ulit kong ipinaaalala ang sitwasyon at mga nagawa ni Keisha para sa kanya. Umalis daw sya dahil nagwawala si Dylan, nauna ng pumunta sakin ang asawa ko at nakahinga ako na nasa loob na sya. Nagulat ako ng may marinig akong m

