Samantha Pov "Pfffftt. Hahaha. You should have seen your face in the mirror. Para kang nakakita ng isang sikat na celebrity sa reaksyon mong 'yan." Natatawang sabi nitong katabi ko. "Nakakatawa Gomez. Nakakatawa." Sarcastic kong sagot sakanya. Kahit kelan talaga paasa ang babaeng 'to. Akala ko pa naman totohanan na. Napakaseryoso kasi nya ng sabihin ang katagang yun tapos---Arggh.! Paasa talaga. "Oh ano.? Tapos kana bang tumawa dyan.? Baka naman pwede mo na akong ihatid sa bahay dahil kanina ko pa gustong umuwi." Naiinis kong sabi habang nakahalukipkip ang aking mga braso. Napansin nya siguro ang pagkayamot ko kaya tumigil na sya sa kakatawa. Salamat naman. "Um. Wala kana bang ibang gustong puntahan.? Masyado pa namang maaga para umuwi." Mahinahon ang boses nito. Siguro kung hindi

