SaSa-1

683 Words
"No parties, no ATM card, no car.! And from now on, you have a bodyguard na magbabantay at sasama sayo kahit saan ka magpunta.!" Galit na sigaw ni Mr. Howell sa kanyang bunsong anak. "What.? Dad no.!" Pagpoprotesta ni Samantha sa sinabi ng kanyang ama. Ayaw na ayaw pa naman nyang may nakabuntot sakanya tapos ngayon magkakaroon sya ng bodyguard.? 'Heck no.! Ugh.! Kasalanan 'to nong loko-lokong nakasakay sa itim na van eh.' Samantha thought na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis. Hindi nya mapigilang sisihin ang taong nagmaneho ng van na nakasalubong nya sa daan noong isang araw. Kung hindi dahil sa taong yun hindi sana magagalit at mag'aalala ng ganito sakanya ang kanyang ama. Actually, pauwi na sya non galing sa birthday party ni Bianca nang mapansin nyang may van na nakasunod sa likod ng kanyang kotse. Hindi na naman nya ito pinansin dahil nag'uusap silang dalawa ng kanyang ate Nadine over the phone. Pero nabigla na lamang sya ng banggain nito ang kotse nya. Mabuti na lang talaga mabilis nyang naikot ang manibela kaya sa malaking puno lang sumalpok ang kanyang kotse. Dahil kung nagkataon, sa bangin na pinulot ang bangkay nya ngayon. Thankful na lang din sya dahil kunting bruises lang ang natamo nya. Dahil din sa nangyari ay hindi maiwasang mapagalitan sya ng kanyang ama dahil sa kagagawan ng taong yun, though naiintindihan din naman nya ang ama dahil nag'aalala lamang ito sa kanyang kalagayan. Namutla pa nga ito ng makita syang may kaunting sugat sa kanyang noo. Kung nag'ingat lang sana ang taong yun sa pagmamaneho ay hindi ito mangyayari sa kanya. Ang mas lalo pang nakakainis ay hindi man lang sya nito tinulungan. Sa madaling salita, tinakasan sya ng taong bumangga sa kanyang kotse. "No but's Samatha.! Sundin mo ang sinasabi ko dahil kung hindi, mapipilitan akong ipadala ka kay Tita Laine mo sa Canada para doon mo na ituloy ang iyong pag-aaral. Do I make myself clear to you Sam.?" "Yes dad." Walang ganang sagot nito dahil alam nya ang ugali ng kanyang ama. Kapag nakapag desisyon na ito, mahirap ng baguhin ang isip. At isa pa, ngayon lang nya nakitang nagalit ang kanyang ama kaya wala syang magagawa kundi sundin na lamang ang utos nito. "Good. Simula bukas magkakaroon kana ng bodyguard. Be a good girl to them my princess. And magpahinga kana. I have to go, may meeting pa ako sa isang client natin." Paalam ni Mr. Howell bago humalik sa noo ng kanyang bunsong anak. Pagkaalis ng kanyang ama doon nya lang napagtanto ang sinabi nito. "Wait, what.?! Them.?! So it means marami pala ang magiging bodyguard ko.? Gosh.! I'm so f*cking doomed." Napahilamos na lamang sya sa kanyang palad. Ops.! By the way, she's Samantha Cruz Howell. Anak ng isang business tycoon na si Roman Howell. She's 20 years old. Nagaaral sa mismong Unibersidad na pagmamay'ari ng kanilang pamilya. Last semester na nya ito at ga'graduate na sya sa kursong business administration. She's a party goer and some people say that she's a spoiled brat because she get what she want. Well, hindi na naman nya ata kasalanan kung nakukuha nya kung ano man ang gustuhin nya. Sabi naman ng iba she's a playgirl which is not true. Siguro naiinggit lang sila specially mga girls dahil maraming nagkakandarapa at nagpapantasya sa angkin nyang ganda. Siguro nga marami na syang naging boyfriend pero lahat ng yun hindi seryoso. Yung tipong may matatawag lang na boyfriend, and oh well, hindi naman sa pagmamayabang. Pero sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Samantha Cruz Howell.? She's hot, sexy, gorgeous and smart kaya hindi na nakakapagtaka kung marami mang nababaliw sa kanya. But seriously, none of them caught her attention. Kaya hihintayin na lang nya ang pagdating ni Mr. Right, but for now she'll just enjoy her life as a single. Humanda lang talaga sa kanya ang magiging bodyguard nya dahil sisiguraduhin nyang sila na mismo ang kakalas sa kanilang trabaho. Pasasaan pa't tinawag syang spoiled brat kung hindi nya makukuha ang gusto nya. _____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD