SaSA-10

1703 Words
Alexis Pov Pagdating ko sa paaralan ay dumeretso na ako sa canteen dahil nandun silang lahat kasama sina Howell. Hmm. Aaminin ko nung una ko syang nakita na intimidate na ako sa ganda nya. She's gorgeous though, a girlfriend material. Yung tipong hindi ka mahihiyang ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend mo sya. Siguro kung iba lang ang sitwasyon namin ngayon baka niligawan ko na sya. But hell no.! Ang utos ay bantayan sya hindi para jowa'in. Isa pa, mas straight pa sya sa buhok ko kaya malabo na magkagusto yun sa tulad ko. Fudge.! Ano ba itong pinag-iisip ko.?! Malapit na ako sa pwesto nila ng magtili'an ang mga studyante sa loob ng canteen. Geez.! Ang iingay naman ng mga ito. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao.? Makatili wagas eh. Kaya ayoko sa lugar na maraming tao, masyado kasing maingay. Naririndi parin ako kahit pa sabihin nating sanay ako sa matataong lugar lalo pa't parte ito ng training naming mga agent, na dapat lagi kang alerto at hindi ka rin dapat nawawala sa konsentrasyon kahit gaano pa ka'crowded ang isang lugar. Madali parin talaga akong mairita kapag maraming maiingay sa paligid ko. And today is not an exception, hindi kasi ako makapag-isip ng maayos lalo na't mainit ang ulo ko sabayan pa ng mainit na panahon. Aish.! Hindi parin mawala-wala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Kat kanina lang. Nakatanggap kasi ako ng text mula sa sakanya na gusto daw nya akong makausap ng personal, kaya hindi na ako sumabay kina Mike na pumuntang canteen. ---- Flashback Pumunta na agad ako sa napag-usapan naming lugar pagkatapos kong basahin ang text ni Kat. May malapit lang kasing parke dito 'di kalayuan sa pinapasukan naming paaralan at dun namin napiling mag'usap. Pagdating ko ay agad kong hinanap si Katherine. Kumaway naman ito pagkakita sa akin kaya agad akong pumunta sa kanyang pwesto. "Mukha atang importante ang pag'uusapan natin at kailangan pa talaga sa personal mo pa sabihin. Pwede mo namang e'text o kaya tinawagan mo na lang sana ako." Sabi ko sakanya ng maka-upo ako sa tabi nya. "Importante naman talaga itong sasabihin ko ah. Saka masama bang makita ka.? Namimiss ko lang naman ang bestfriend ko noh." Malambing na sagot nito na ikinatawa ko. Sa totoo lang kasi kahit na mataray at madaldal ito, pagdating sa mga taong malalapit sakanya nagiging malambot ang babaeng ito. "Mukhang hindi naman ata, lalo pa't lagi mong kasama ang boyfriend mo." Pagbibiro ko na ikinasimangot nito. "Hindi ah.! Balak ko na ngang maghanap ng iba eh." Sagot naman nito at ngumiti pa talaga ng nakakaloko na syang ikinataas ng kilay ko. "Katherine Smith.! Ikaw talagang babae ka. Isusumbong talaga kita kay Luis eh." Pananakot ko sakanya. Kita ko namang na'alarma ito sa sinabi ko. "Hehehe. Ikaw naman Al, nagbibiro lang ako noh." Sagot nito sabay ngiti ng alanganin. Hahaha. If I know, masyado itong head over heels kay Luis Hernandez kaya alam kong nagbibiro lang ito. Masaya lang talaga akong makita ang reaksyon nya. "Whatever Kat. So ano itong paguusapan natin.? Sabihin mo na para makabalik na ako sa paaralan." Poker face kong sabi sa kanya. "Hmm. Well, gusto ko lang ipaalam sayo na pumasok ako sa kompanya ni Mr. Howell bilang secretary nya. While si Luis naman ay nag'apply bilang bodyguard nila. Sinadya talaga naming gawin 'to para hindi na kami tago ng tago kapag binabantayan namin sila. At para narin mapag-aralan namin ng maayos ang mga taong nakakahalubilo nila lalo na kapag related na sa kompanya." "Yun lang.? Spill the beans Kat. Alam kong may iba ka pang sasabihin. Hindi mo naman siguro ako pinapunta dito para lang dun diba.? Kaya diretsuhin mo na ako. Ano ba yun.?" Diretsa kong sabi sa kanya. May pa'suspense pa kasi ang babaeng 'to eh. 'Di na lang sabihin agad. "Okay.! Nagmamadali bes.?" Pilosopong sabi nito na ikina'ikot ng mata ko. "Anyway, kahapon kasi may nagdeliver ng maliit na kahon sa office ni Mr. Howell. Ako ang tumanggap non since ako naman ang secretary nya. And then I ask those delivery guy kung kanino galing pero ang sagot nya hindi daw nya alam. Wala naman daw kasing inilagay na pangalan doon maliban lang sa pangalan ni Mr. Howell at ang address ng building kung saan ipapadeliver. So yun nga, ibinigay ko yun sa matanda and as usual, another death threat na naman. But this time may kasama ng patay na ibon. Oh diba bongga.?! Nag'level up kahit papaano." Pagbibiro nito. Naisingit pa talaga nya ang bagay na iyon eh noh. "Anong nakalagay sa sulat.?" Tanong ko sakanya. Curious lang kasi ako. "Medyo weird sya pero ang sabi dun sa sulat ay---kahit gaano pa daw kataas ang lipad ng isang ibon, bumabagsak rin ito sa lupa at namamatay. Iyan ang nakasulat doon. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin non eh." Sagot nito kaya napaisip tuloy ako. "Hindi kaya kalaban ng kanilang kompanya ang gumagawa ng mga ito.?" Tanong ko na ikinakunot noo ng katabi ko. "Ano ang ibig mong sabihin Al.?" Seryoso ng tanong ni Kat. "Well, as you can see. Mr Howell is a business tycoon and one of those most influential businessman not just in Asia, but also in the other country, especially in Europe. Saka mataas ang tingin sa kanya ng mga tao even his business partners at base sa sinabi mo tungkol doon sa sulat. Maaaring may na'apakan syang tao o may naka'away syang isang malaking kompanya na hindi nya nalalaman. Alam mo namang magulo ang business world diba.? Atsaka kung meron man talaga. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kung sino man ang taong yun, nakakasiguro akong gusto nyang pabagsakin si Mr. Howell at ang malala pa dito gusto pa syang patayin." Paliwanag ko sakanya. "Oo nga noh.? Ba't ba hindi ko agad naisip yun.?" Nakangusong sabi ni Kat. "Eh wala ka namang utak eh." Nakangising sagot ko sa kanya. "Heh.! Ewan ko sayo.! Makaalis na nga rito." Sagot nito sabay alis. Hindi man lang ako hinintay na makasagot. Kahit kelan talaga napaka'pikonin ng babaeng yun. Tsk Tsk. End of flashback Pagdating ko sa kanilang pwesto ay agad akong umupo sa tabi ni Steven nang biglang tumunog ang cp ko. Si Mike lang naman pala. Hanep diba.? Katabi ko lang ang lokong ito pero nag text pa talaga sa akin. Nagtanong lang naman ito kung ano ang napag'usapan namin ni Katherine. Ni'replayan ko na lang ito na mamaya ko na lang sasabihin sa kanila pagdating sa bahay. Para narin makapagusap kaming tatlo tungkol doon. Hindi naman ito nangulit pa pero pansin ko lang huh. Kanina pa nakatitig itong si Samantha sa akin. Paano ko nalaman.? Naramdaman ko lang naman, at diko alam ba't naiilang ako sa tingin nya. Kaya imbes na pansinin sya itinuon ko na lang ang aking atensyon sa cp ko. -------------- Samantha Pov Hindi ko maiwasang 'di mapatitig sa babaeng kaharap ko ngayon. Para kasing may magnet na laging humihila sa akin para tingnan sya. Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong nasabi pero ang sarap nyang titigan, yung tipong kahit na wala kang makikitang emosyon sa mukha nya maganda parin sya. I wonder kung ano ang itsura nya kapag nakangiti. Siguro mas lalo syang gumaganda. "Wag mong masyadong titigan bestie. Sige ka, baka matunaw yan." Bulong sa akin ni Bianca na ikinagulat ko. "A-ano.? Hindi noh.! Ano kasi ahmm. May iniisip lang ako. Oo yun nga." Utal-utal ko na namang sagot na ikinatawa nilang dalawa. "Ok. Sabi mo eh." Kibit balikat na sagot ni Alicia. Hindi narin ako umimik para hindi na nila ako kulitin pa. Maya-maya pa ay nagsitayuan na kaming lahat dahil malapit ng magsimula ang susunod naming klase. Sabay-sabay na lang kaming pupunta sa classroom since pare-pareho lang naman kaming lahat ng schedule at subject. "Mauna na lang kayo guys. Bibili lang ako ng tubig. Susunod na lang ako." Sabi ni Alexis. Hindi pa nakakasagot ang dalawa nyang kaibigan nang maglakad na ito palayo sa aming pwesto. Ang hilig rin nyang mang'iwan sa ere noh.? "Mauna na lang kaming apat bestie. Hintayin mo na lang si Alexis huh. Ba-bye.!" Sabi ng magaling kong kaibigan. Sasagot pa sana ako pero nagtatakbo na sila palayo sa akin. 'Mga walang hiya talaga.! Humanda talaga kayo sa akin mga bruha kayo. Pagbabayaran nyo ang ginawa nyong ito sa akin.!' Nanggigigil kong sigaw sa aking isipan. "Okay ka lang.? Ba't hindi kapa sumabay sa kanila.?" Tanong sa akin ni Alexis nang mapansing wala na akong kasama sa pwesto ko. "A-ano kasi, ahmm. Hinintay kasi kita pa-para naman may makasabay ka." Gosh.! Ba't ba ako nauutal.?! "Okay. Tara na." Sabi nito kaya sabay na kaming naglakad papunta sa classroom namin. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Hindi ko kasi alam kung paano sya kakausapin. Baka mamaya nyan tarayan pa ako at isipin pa nya na feeling close na ako sakanya. Oh diba nakakahiya yun.? Malapit na kami sa pintuan ng classroom namin nang may mga lalaki na napadaan sa pwesto namin at naguusap ng hindi maganda tungkol sakanya. Namumukhaan ko ang mga ito. Sa pagkakaalam ko mga alagad ito ni Harvey. Pansin ko namang napakuyom ng kamao si Alexis at akma na sanang pupuntahan ang mga walang modong lalaking yun. Pero hindi pa man sya nakaka'hakbang nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan sya sa kanyang gagawin. Alam kong nagulat sya pero mas nagulat ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin iyon. Pansin kong napatingin sya sa magkahawak naming kamay kaya agad kong binitawan ang kamay nya. Mahirap na baka masigawan pa ako noh.! "Um. Huwag mo na lang silang pansinin. Wala lang magawa ang mga yun sa buhay nila kaya hayaan mo na sila para hindi kana masangkot sa gulo, I-I mean hindi na magkagulo pa." Sabi ko while biting my nail. Paano ba naman kasi, nakatitig sya sa akin kaya nate'tense ako. Pansin ko ang pagbuntong hininga nito bago magsalita ulit. "You're right. Thanks by the way." Sabi nito habang nakangiti. Teka. O-M-G.! Waaahh.! Ngumiti sya.! Ngumiti sya sa akin.! Gosh.! Ang ganda nya lalo kapag nakangiti at ang cute pa. Letse.! Ngiti pa lang yun pero para na akong kinikiliti dito. ____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD