Chapter 3

1245 Words
#TenYearsLater SAMPONG TAON na ang lumipas simula noong makarinig si samhira ng sigaw mula sa loob ng kakahuyan. Mula din noon ay hindi na maulit pa ang mapangambang pangyayari. Ang sabi sa kanya ng mga kaibigan.. sa isang tao nag mula ang tunog na iyon at hindi kay dambuhalang isda. Gaya ng nakasanayan, si samhira ay kuntento sa gawi ng pamumuhay kasama ang mga isda, araw araw. Masaya siyang kapiling ang mga ito. Ang mga ito ang tumayong pamilya at tanging naging laman ng kanyang mga ala-ala at nag-aalaga sa kaniya hanggang paglaki. Hindi siya nakaramdam ng pangungulila sa piling ng mga ito. Minahal siya na parang sariling kapatid at pamilya kahit malaki ang pagkakaiba niya sa mga ito. - “Samhira subukan mo kayang umahon sa tubig at magtungo sa lupa, baka sakaling magkaroon ka rin ng mga paa tulad ng mga tao.” Pahayag ni chin na isang maliit na kulay orange na isda, kasama rin nila si tilapia tanging nagsilbing kapatid at kaibigan niya magmula noon. Kanina pa sila nakapwesto sa ibabaw ng batis habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Panay kwento din ng mga ito kay samhira dahil sa napaka daldal nilang isda. Isang sirena si samhira kaya normal na sa kanya ang pakikipagusap sa mga isda o sa anuman’ lamang dagat. “Paa, Tao? Makakain ba yun chin?” Tanong niya na ikina-tawa ng dalawa. “Haha Sira! Hindi yun kinakain sila yung kumakain satin’no.” Natatawa ani Chin. “Kung ganon bakit gusto niyo akong maging kagaya nila? Ah, siguro nais niyong kainin ko rin kayo, hindi ba?”Nag-biberong sambit niya at ikinumpas pa niya ang kaniya’ng buntot sa ibabaw ng tubig. “Hindi no! Subukan mo lang kaming kainin, wala ng kaibigan magtatanggol sayo, tapos ikaw naman ang kakainin ng mga tao.”pananakot ni Tilapia. “Yeah, no! No! No! You can’t do that!” Chin. “Haha—Syempre bero lang yon! Hindi ko yon magagawa sainyo Chin, Pia. Kayo lang kasi naging kaibigan ko mula bata pa tayo, kaya mahal na mahal ko kayo.” Aniya gamit ang malambing na tinig. Umakto na touch ang dalawa. “Aww! Ang sweet sweet naman ng preny namin.”nakangiti ani tilapia. “Thank you Samhira. Mahal na mahal ka din namin. Promise walang iwanan.” Paglalambing ni chin. Lumipas ang oras at nagpa alam na ang dalawa. “Oshya girl, uwi na muna kami ni tilapia, kailangan na namin pakainin si inang tilapia, maiwan ka muna namin ha.” Ani chin at nauna ng pumaibaba sa malalim na bahagi. Susunod na sana si Tilapia ng maalalang may bagay siya dapat ipaalala kay Samhira. “S’ya nga pala Samhira, magtago ka bukas sa iyong tahanan at huwag na huwag ka muna aahon dito sa ibabaw ng tubig.” “Ha? Anong meron?” “Ah eh, bukas ang araw ng pagdalaw ng mga tao sa iba’t ibang bundok upang mag-alay, ayon sa nakagawian nila. Gayunpaman, maswerte tayo dahil sa tinagal tagal ng panahon ay ni minsan walang mga tao pumarito para mag alay, masyado na mataas ang bundok na ito kaya siguro hindi na pinag aaksayahan ng mga tao na dito pa mag alay. Magkagayunman kailangan pa din natin mag ingat, lalo ka na Samhira walang pupwedeng makakita sayo.” Tumango lang siya kay Tilapia bilang tugon. Sumisid na ang kanyang kaibigan at iniwan siya mag-isa. “Mga tao? Ano kaya itsura ng mga nilalang na iyon?” Clueless tanong niya sa kawalan. Naiwan nag-iisip si samhira. Ano ang paa? Mga Paa? Posible ba magkaroon siya ng mga paa, tulad ng mga tao kung sakali tumuntong siya sa lupa? Hindi niya matakasan ang kuryusidad na pilit na nabubuo sa isipan. Hindi niya kaya baliwalain ang sinabi ng kaibigan at sa kanya mismong pamamaraan nais niyang patunayan kung posible nga ba mang-yari na magkaroon siya ng mga paa. Nagsimula na siya umahon sa tubig. Mahaba ang buhok niya na kahit walang pang itaas ay natatakpan ng kanyang buhok ang bilogan, malulusog at mapuputing dibdib. Nahirapan siya umusad patungo sa buhangin upang maka-ahon. Konting tiis pa ay tuluyan na siya nakatungtong sa lupa. Sobrang iba sa pakiramdam, kakaiba ang saya bumalot sa dibdib. Ito ang una beses na nagkaroon siya ng lakas na loob na tumuntong sa lupa at kakaiba iyon sa pakiramdam. Dinadama pa lamang niya ang kakaibang pakiramdam ng makaramdam siya ng paninikip ng dibdib, nauuhaw, nahihilo’t nahihirapang huminga. “Ugh! Hi-hindi a-ko ma-makahinga—“ nahihirapan daing niya habang hawak ang dibdib. At unti-unti nawalan ng malay, napadapa sa buhangin. Nasisinagan ng araw ang kaniyang berde buntot isda kumikislap iyon at sa hindi kapani-paniwalang pangyayari’y bigla na lang naglaho ang butot niya’t napalitan ng makinis at maputing paa’t hita. TUMAMA ang sinag ng araw sa mukha ni samhira na magpa-hanggang ngayo’y wala pa rin malay, kalaunan nagising na siya , sinalag ang araw na tumatama sa kanyang mukha. ”Ugh!” Hindi niya batid kung bakit ganoon na lamang ang p*******t ng kanyang ulo. Unti unti niya uminulat ang mga mata’t dahan-dahan’ naupo, ikinusot pa niya ang mga mata at nag-unat. Wala pa siya kaalam alam ng disinasadya dumako ang paningin sa kaniyang buntot na ngayon ang wala na. Natigilan siya at nagulat.. Lumikha linga siya at tarantang hinahanap iyon sa paligid ngunit wala. “Aahhhhhh! Ang buntot ko!?” umiyak na parang bata. Nagkaroon na siya nang paa ngunit hindi pa rin niya alam kung ano yon. “Ang buntot ko nasaan na?” kinakapa-kapa ang legs. “Ang buntot ko nawawala!” umiiyak na sigaw niya. “Samhira asan ka?!” Napatingin siya sa batis ng marinig ang balisa at nag aalalang boses ni Chin. “Chin nandito ako. Ang buntot ko nawawala!” Kaagad naman pumaroon sa mababaw na parte ang dalawa kaibigan. Nabungaran nila ang dalaga masakit ang iyak habang kinukusot kusot ang mga mata. Nawala ang pag aalala sa mukha ng dalawa at napalitan ng natutuwa reaksyon. “Wow!? May paa kana samhira!” nagdiwang sigaw ni chin. Tumigil si samhira sa pagkusot. “Anong paa? Nawawala ang buntot ko, hindi ko makita. Sinunod ko lang ang sinabi mo tapos di ko na alam ang nangyari pag-kagising ko wala na ang buntot ko, paano nangyari yun?” naguguluhang tanong niya sa mga ito. “Hindi rin namin alam samhira, pero ang galing ha, may paa ka na! Ang galing kooooo!” Umikot pa na sigaw ni chin. Napakurap kurap si samhira, at inisip kung anong klaseng paa ito’t anong gagawin niya dito? “ Ganito ba ang paa mayroon ang mga tao?” inosente tanong niya. Tumango ang dalawa. Makakalangoy pa ba siya gamit ang mga paa? “Ngunit paano ko ‘to gagamitin?”sumisinok na tanong niya. “Tumayo ka’t simulan mong sanayin ang mga paa mo sa paglalakad.” Nakangitin sagot ni Tilapia. Hinaplos niya ang hita pababa, natigilan siya dahil sa sobrang dulas niyon. Tulad nang sinabi ng dalawang kaibigan ay nagsanay ang dalaga kung paano maglakad, ngunit bago iyon ay kumuha muna siya ng mga dahon pantakim sa ibaba panlaban sa lamig dala ng simoy ng hangin. Gumapang siya patungo sa puno ng saging at doon kumuha ng dahon ipantatakip sa maselang parte, sinunod ang utos ng mga kaibigan isda. “Samhira! Bumalik ka dito bago sumapit ang dilim,hindi ka maaring gabihin, dilekado sa gubat.”paalala ni chin. “Oo babalik ako ka-agad. Hintayin niyo ako, ah?”aniya at sinimulan itayo ang mga nanginginig niya mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD