-???'? ????? ?? ????? ????-
Third person's point of view
“Ahhhhh!” Nasasaktan sigaw ni sabrina habang ini-ire ang bata sa kaniyang sinapupunan.
"Sige pa Iha. Ire pa, malapit na! Tiisin mo lang, anak." Bigkas ng kumadrona tumutulong sa kanya sa panganganak.
“Ahhhh! Ang sakit!” makuhang luhang sigaw niya.
Ramdam niya ang panghihina sa bawat pag-ire, ngunit kailangan kayanin niya alang alang sa anak.
Huminga siya ng malalim at kumuha ng malakas na bwelo bago umire.
"AHHHHHH!"
Makalipas ang ilang minuto ay isinilang niya ang isa sanggol na batang babae na umiiyak ng malakas.
Kumilos ka-agad ang kaagapay ng kumadrona, si Hilda upang buhatin ang bata at simulan ang trabaho niya.
Ngunit hindi pa nagtatapos ang paghihirap ni sabrina dahil mayroon pa ring isang sangol na nasa sinapupunan niya.
"M-manang..... parang---- UGH!" Sigaw niya nang maramdaman mayroon paring gusto lumabas sa sinapupunan, kumuha siya ng lakas upang muling umire.
"Nako Iha, kambal ang anak mo!" Ani ng kumadrona at dali-daling minasahe ang umbok na tyan ng dalaga, sigaw at ire lang ang ginawa ng dalaga hangang sa lumabas ang ulo ng bata.
Hindi naman gaanong nahirapan si Sabrinna kumpara sa naunang bata isinilang dahil dumulas agad ang bata palabas.
"Jusko! Ano 'to?" Nagulat ang matanda nang tuluyang masilayan ang batang babae na may kulay berdeng buntot ng isda.
"Ma-manang, anong meron? Anong ho nangyari sa anak ko?" Nanghihinang tanong ni sabrina na sinusubukang suriin ang huling anak na isinilang.
Binuhat ng matanda ang bata, na wala ng takot sa kanyang mga mata.
“Sabrina, hindi tao ang anak mo... isa syang sirena, may anak kang sirena, sabrina." sabi ni manang ising habang nakatitig sa sanggol na mahimbing na natutulog, hindi tulad ng naunang sanggol inilabas na magpahanggang ngayon ay umiiyak parin.
Itinabi ni Manang Ising ang bata kay Sabrinna matapos banlawan at balutan ganun din ang isa.
Tumagilid siya at humarap sa batang May buntot ng isda“Samhira..” mahinang bulong niya at hinalikan ang bata.
“Samhira ang pangalan niya manang ising...”Tukoy niya sa batang sirena.
“at ang pangalan ng kaniya ate ay sherna.” May ngiti sa labing ani sabrinna at hinalikan sa noo si sherna't samhira. “Natupad na ang pangarap mo mahal ko...” bulong niya, bago tuluyang mawalan ng malay dahil sa pagod.
.
Lingid sa kanilang kaalaman mayroon lalaki nakasilip sa siwang ng kubong tirahan ng mag-ina, nanginginig ang lalaki sa nakita.
Malinaw pa sa buwan, sigurado siya na isang demonyong isda ang isinilang ng babae bagong lipat lamang sa kanilang bayan.
“Kailangan malaman ito ni kapitana.” Bulong niya't magkaanda dapa-dapa umalis sa kubong iyon.
.
Makalipas ang ilang araw, nagkalat ang bali-balitang mayroon demonyo bata sirena na isinilang, sa bayan nila.
Maingat na pinaki-usapan ni sabrinna si aling ising na huwag nalang ipaalam sa iba ang tukol sa kalagayan ni samhira.
Hindi yun ipinagbigay-alam ng matanda sa kahit sino at nanatiling sikreto lang ito sa kanilang tatlo kasama na ang kanyang apong si Hilda na taga-agapay ng matanda.
Ngunit dahil sa isang taong nakasaksi ng pangyayari ay kumalat ang bali-balitang iyon.
-
Kasalukuyang natutulog ang mag-iina ng makarinig si sabrina ng maiingay sa labas ng kanilang bahay.
Nagtaka si sabrina sa tonog na parang mga bubuyog na ingay, subalit inipanatag niya ang kalooban.
Sandali siya nagtungo sa kwarto ni Samhira na ngayo'y aliw na aliw habang pansamatala nakababad sa isang malaking batyang tubig.
Nakahinga ng malalim si sabrinna at nilapitan ang anak. “Ang saya saya naman ng anak ko, masarap bang magbabad sa tubig?” Aniya sa anak, hinila niya ang upuan sa gilid at umupo sa tabi ng bata.
“Alam mo anak, nong unang makilala at makasama ko ang ama niyo at hindi ko pa alam na isa siyang sireno, lagi akong nagtataka kung bakit mahilig siyang magbabad sa tubig, inakala ko noon isa siyang manlalangoy o swimmer 'yun pala isa siyang sireno.” natatawa niyang kwento.
“Natakot ako nong malaman ko ang sikreto niya, pero bandang huli nanaig sa puso ko ang pagmamahal, mahal ko siya at kaya kong tanggapin kahit ano pa siya. ” Pinaghalong lungkot at saya pagkukwento sa anak, nakuha naman niya ang atensyon ng anak. “Ganon ka din, anak. Mahal na mahal ka ni mama at masaya akong dumating ka sa buhay namin ng kapatid mo. Sigurado ako masaya na ngayon ang inyong ama saan man siya naroroon.” Kina-usap nito ang anak na tila marunong din makinig dahil nakatingala lang ang sangol sa lumuluhang ina.
Hindi mapigilan emosyon ang napapakawalan niya tuwing maaalala ang araw ng pagkawala ni sakhiro, marami nang humadlang sa pagmamahal nilang nabuo dito sa lupa ganun pa man ay umaasa siyang magkikita muli sila ni sakhiro upang ipag-patuloy ang naudlot na pagmamahalan, kahit imposible na iyong mangyari.
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha matapos ihampas ni samhira ang buntot isda sa ibabaw ng tubig. “Pasensya kana anak masyadong madrama si mama, namimiss ko lamang ang ama niyo.”Anya sa batang hindi natinag sa pagtitig sa kaniya na ikinatawa niya.“Nako, ikaw talaga, kung makatigtig ka parang naiintindihan mo na ako, mmm!” aniya't pinanggigilan ang pisngi ng anak.
.
.
Nang masigurong maaayos ang anak ay napagpasiyahan iwan na muna ang bata sa pagkakababad.
Patungo na siya sa kwarto nila nila, sherna, nang may tumamang bato sa kaniyang paanan nagmula sa diwang ng bintana, sunod sunod niya narinig ang mga batong tumatama sa kanilang bahay, kasabay ng malalakas na sigawan mula sa labas.
Kumakabog ang dibdib niyang sumungaw sa bintana upang silipin kung sino ang nambabato at sumisigaw sa harap ng kanilang bahay.
Binalot siya ng takot nang mabungaran ang mga taong puno ng galit na sumisigaw, mga matatandang babae na may dala-dalang kawayang bolo na umaapoy sa tutok at itak sa mga kalalakihan.
"Hoy! Mang-kukulam ilabas mo ang anak mo demonyo, Isa yang sumpa! Patayin yan!" Sigaw ng medyo katandahan matabang babae na pinuno ng samahan.
“Makinig kayo mga kasama, bagong salta lang ang babaeng yan dito at ayon nga sa balita may isinilang siya bata anak ng demonyo! halimaw ang anak niya't dapat puksain bago pa makapaminsala sa pinaka mamahal nating baryo! Patayin ang anak niya!” Buong sigaw pagkumbinsi ng lalaking malaki ang katawan sa mga kasamahan.
“Patayin ang halimaw!” malakas niya sigaw.
“Patayin ang halimaw! Patayin!” sigawan ng lahat habang itinataas ang kawayan bolong may apoy at mga itak. Ang ilan ay patuloy na binabato ang bahay.
Tiniis ni sabrinna ang sakit sa bawat batong tumatama sa kaniya, at matapang na humarap sa kanila mula sa bintana “Hindi halimaw ang anak ko! wala siyang kasalanan sa inyo! Tigilan niyo na kami!" Naluluhang sigaw ni sabrinna sa mga 'to ngunit hindi sila nakinig at pinagpatuloy parin ang pagbato sa tahanan.
Balot ng kaba at takot ay wala siyang ibang kailangan gawin kundi itakas at ilayo ang mga anak sa mga ito.
Alam niyang hindi niya makukumbinsi ang mga tao nasa labas na nais patayin ang anak niya, kaya dali dali nitong kinuha ang isang puting twalya at natatarantang tumungo sa silid ni samhira, ini-ahon sa tubig upang balutin ng twalya.
Nangiti pa ang bata dahil dito ay tuluyan tumulo ang luha." Anak kahit anong mangyari hindi kita hahayaan masaktan. Puprotektahan kita damhira,mahal na mahal ka ni mama." Kasabay nun ang isang malutong na halik sa kanyang noo.
Lumabas si sabrinna ng bahay buhat-buhat ang dalawang kambal tsaka siya tumakbo sa likod ng bahay upang doon lumabas, buti na nga lang at walang nakakita sa kanila.
Tinahak ni sabrinna ang gubat ng himalaya. Ang bundok na itinuro ng kamadrona, doon lamang ang ligtas na lugar na maglalayo sa mapanganib na taong nagtatangka sa buhay ni samhira. Masyado matarik at puno ng mababangis na hayop kaya wala ninoman ang nagpupunta sa naturang bundok. Ayon pa sa kwento baryo ay may diwata na nangangalaga sa kabundukan madalas na ang mga nagpupunta ay hindi na nakakabalik ng buhay, ngunit para sa anak niya ay iyon na lamang ang tanging lugar na maaring maging tahanan.
Ilang oras pa ay narating na niya ang bundok.
Napaupo sya dahil sa pagod.
Napakasulok na nang lugar na kaniyang tinahak at kailangan pa niya makita ang isang batis na pag-iiwanan sa batang sirena.
.
.
.
Nang makita niya ang napakagandang batis ay tuluyan na siya inatake ng luha nagbabadyang luha kanina pa pinipigilan.
Inilapag niya pansamantala ang isang kambal sa buhangin.
Bago tinungo ang batis, buhat si samhira.
Nang makalapit sa tahimik na batis ay sumulong siya ng kaunti siya sa tubig, ginamit ang isang kamay upang kapain ang isang palamuting Pulseras gawa sa kabibe may nakaukit na pangalang 'SAMHIRA' si Khiro mismo ang may gawa, ang kaniyang minamahal.
Noong nagbubuntis pa lamang si Sabrina at hindi pa nila alam na kambal ang dinadala sa kanyang sinapupunan, ganun pa man ay sigurado siya babae ang isisilang.
Nang mga panahong iyon ay may importante bagay silang pinag-usapan bago siya tuluyang iwan ni Khiro.
Sinabi niya, ibigay nito ang palamuti may ukit na 'samhira' kung babaeng sirena, ang kaniyang isisilang at kung babae tao naman ay ang palamuting may ukit na 'Sherna' ang ibigay.
Ngunit sa nakakatuwang pagkakataon ay naging kambal pa ang anak nila, isang tao at sirena.
Kaya ang dalawang pangalan si Khiro mismo ang nagbigay ay pareho niyang ipinamana sa dalawang anak.
Nanginginig ang mga kamay isinuot ni Sabrina ang pulseras kay samhira habang patuloy ang padaloy ng luha sa mga mata.
“Anak, Gawa ng iyong ama ang palamuting 'to, nais niya ibigay ko sayo, dahil iyan ang bagay na magproprotekta at maglalayo saiyo sa panganib. Huwag na huwag mo itong tatanggalin anak.” Aniya habang inaayos ang pagkaka-suot.
Inukit yon ni sakhiro at inalayan ng isang mahika, mahika ng proteksyon nang sagano'y walang kahit sino man ang makakapanakit sa kaniya't ilalayo siya sa lahat ng kapahamakan.
Ngumiti ang sangol ng tuluyan na siya isuko sa malalim na bahagi ng batis.
"Samhira, Mahal na Mahal kita anak, sobrang hirap na iwanan ka rito ngunit titiisin ko upang malayo ka lamang sa mga tao nais manakit sayo, anak. Sana pagdating ng panahon ay mapatawad mo ako. Mahal na Mahal kita, anak.” yun ang huling salita narinig ng sangol sa ina bago sila tuluyang nawala.
Nilisan ni sabrinna ang bundok ng Himalaya dala ang isang kambal habang patuloy parin ang padaloy ng luha.
Masakit para sa kaniya iwanan ang anak sa batis ng gubat na wala man lang kahit sinong mag-aalaga sa kaniya.
iniisip niya kung paano mabubuhay ang anak niya sa ilalim ng tubig, paano siya kakain, sino mag-aalaga kung sakali mang magkasakit ang anak, sinong makakasama, sinong magtuturo sa kaniya sa mga bagay na kailangan matutunan.
Sino? Wala, wala ninoman, sapagkat iniwan niya ang anak sa gubat na walang kasiguraduhang mabubuhay siya sa gaanong klase ng pamumuhay.
“Patawad.”