The Stepson Obsession C3
CHARMAINE POV
“Bakit ang tagal mo na namang umuwi?!” Bungad ni Nanay sa pinto namin.
“Nay, marami po kasi kaming ginagawa…” Pagsisinungaling ko sa kanya habang nagmano ako.
“’Wag mo nga akong lokohin Charmaine! Pinuntahan ko si Jela at nasa bahay na siya!” hindi ko naman mapigilang kabahan dahil sa sinabi ni Nanay. Lagot na talaga ako kapag sinumbong niya ako.
“Nay, iba naman po ang group ni Jela.” Wika ko habang tinungo ang kusina para ipaghanda na siya ng pagkain. Hindi kasi si Nanay kakain hangga’t hindi ako dumarating.
Matapos kaming kumain ni Nanay ay agad na akong nagliligpit at pumasok sa kwarto. Kinuha ko agad ang aking phone at nag-message kay Adrian.
Hindi ko naman mapigilang magtaka dahil hindi siya sumasagot sa message ko.
Ilang beses ko na rin siyang tinawagan pero hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya.
“Nakauwi na kaya siya? bakit kaya hindi man lang siya nagrereply sa mga message ko?” na-isipan ko namang humiga nalang muna habang hinihintay ang tawag ni Adrian.
Kina-umagahan ay agad kong tiningnan ang aking phone. Pero wala pa ring reply si Adrian sa akin.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili.
“Nay! Kumain na po tayo!” Tawag ko kay Nanay nang maihanda ko na ang mesa.
“Mukha ka yatang matamlay?” Napatingin ako kay Nanay dahil sa kanyang sinabi at pilit na ngumiti.
“Charmaine, ‘wag mong gayahin ang kaklase mong si Jela ha?” taka akong napatingin kay Nanay dahil sa sinabi niya akin.
“Po? Bakit naman po Nay?”
“Naku! Alam mo ba kanina nakita ko siya. kauuwi lang hinatid ng isang lalaki.” Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni Nanay dahil wala namang boyfriend si Jela.
“Baka ka-klase lang namin ‘yon Nay.”
“Kaklase? May kaklase bang naghahalikan sa daan?” napahinto ako sa aking pagsubo ng kanin dahil sa sinabi sa akin ni Nanay.
“Kaya ikaw, ‘wag kang gumaya sa kanya Anak, gusto kong magtatapos ka sa pag-aaral mo.” Agad akong napayuo dahil sa sinabi ni Nanay. Paano nalang kaya kung malaman niya ang pinag-gagawa ko? baka kasusuklaman din ako ni Nanay.
“Jela!” Tawag ko sa kaibigan ko habang nakikita ko siyang naglalakad sa may gate ng school namin. Hindi ko naman mapigilang magtaka nang mapansin na para siyang nagulat nang makita ako.
“Bakit hindi mo ako hinintay?” Tanong ko nang maabutan siya. pinuntahan ko kasi siya sa bahay nila pero ang sabi nang Nanay niya ay kanina pa raw siya umalis.
“Ang tagal mo kasi Charmaine, kaya hindi na kita hinintay.”
“Ha? Maaga nga ako ngayon, kasi hindi ako masyadong nakatulog.” Sagot ko sa kanya habang sabay na kaming naglalakad.
“Oo nga pala..” Ani ko habang tiningnan siya.
“Bakit?” Kunot-noo niyang tanong habang umiling ako. hintayin ko nalang na sasabihin niya sa akin kung sino ang boyfriend niya. baka kasi mamasamain niya kapag inunahan ko pa siya.
Dumating ang lunch break pero wala pa ring message sa akin si Adrian. Pumunta rin akong canteen dahil baka nando’n siya.
Habang papasok ako ay natigilan ako nang makita ko si Adrian na masayang kausap si Jela. Ni hindi man lang niya nakuhang mag-message sa akin. mabuti pa si Jela kinakausap niya.
“Adrian!” Tawag ko sa kanya. agad naman niya akong nilingon habang ngumiti sa akin.
Hinintay kong lapitan niya ako pero hindi niya ginawa, kaya ako nalang ang lumapit sa kanya.
“Bakit hindi ka nagrereply?” Tanong ko sa kanya.
“Iniwan ko ‘yong phone ko.” balewala niyang sagot sa akin. napansin ko naman na parang wala siyang gana na kausapin ako kaya naisipan ko nalang umalis.
Pinipigilan ko rin ang mapa-iyak dahil hindi man lang niya ako nagawang sundan.
Pumasok ako sa classroom at nilagay ang aking headseat sa tainga. Ang ingay kasi nang mga kaklase ko.
Napa-dilat ako sa aking mga mata nang may kumalabit sa akin.
Nakita ko naman si Jela, kaya agad kong tinanggal ang aking head seat.
“Bakit?” tanong ko sa kanya. kahit nagtatampo ako sa kanya dahil hindi nila ako pinansin kanina ay hindi ko naman siya magawang sumbatan. Itinuring ko kasi siyang best friend at ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa hindi niya ako pinansin kanina. Ayoko kasing isipin niya na makitid ang utak ko.
“Tinatamad akong magsulat.. pwede ba ikaw nalang ang magsulat sa notes ko?” Napahinga ako nang malalim habang tumango sa kanya.
“Salamat best!” Tuwang wika niya habang niyakap ako.
Narinig ko naman ang aking phone na tumunog kaya kinuha ko ito.
Nakita ko naman sa screen ang pangalan ni Adrian, kaya muli kong nilagay ang aking phone. Ang sabi niya iniwan niya kanina ‘yong phone niya.
“Sino ‘yon?” tanong sa akin ni Jela habang sinilip ang phone ko.
“Si Nanay.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
Kinahaponan ay hihintayin ko pa sana si Jela pero sinabi niya na mauna na raw akong umuwi dahil hindi pa raw siya uuwi.
Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay hindi ko pa rin tiningnan ang message ni Adrian. Hanggang ngayon kasi ay nagtatampo pa rin ako dahil sa ginawa niya kanina.
“Babe!” Napahinto ako nang makita siya sa tabi ng kalsada.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya habang panay ang paglingon ko sa paligid. Baka kasi bigla nalang dadaan si Nanay.
“Inaabangan ka.”
“Bakit naman? Pwede ba umuwi kana. Baka makita kapa rito ni Nanay.” Pagtataboy ko naman sa kanya. hindi kasi ako natutuwa na makita siya. ano bang inaakala niya? nakalimutan ko na ‘yong ginawa niya kanina?
“Hindi mo ba ako na-miss?” malambing niyang tanong sa akin.
Ano ba Charmaine. ‘wag kang magpapadala sa kanya…
“Pwede ba Adrian. Umuwi kana, baka makita pa tayo ni Nanay.” Wika ko at iniwan siya. pero ang loko mabilis siyang bumaba sa kanyang motor at agad akong siniil nang halik sa aking labi.
“Ummmmm!!” Pinipilit ko siyang itulak dahil baka makita kami ni Nanay. Alam kong mapapatay niya talaga ako.
“’Wag mong sabihing may bago kana?” Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya nang bitawan niya ako.
“Hindi ako ganu’n klaseng tao Adrian.” Madiin kong wika sa kanya.
“Pwes patunayan mo.” Wika niya habang hinila ako pasakay ng kanyang motor.