TOS C11 CHARMAINE POV “Hi!” Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya habang papasok ako sa office ng asawa ko. Pansin ko naman ang gulat sa kanyang mukha habang papalapit ako sa kanya. “Hi! why are you here?” Ngiting wika niya habang tumayo at sinalubong ako. medyo nawala naman ang kaba na nararamdaman ko nang makitang ngumiti siya sa akin. ang akala ko kasi kanina ay magalit siya. “Hindi kasi ako nagising kanina, hindi tuloy kita nakasama sa breakfast kaya dinalhan nalang kita ng pagkain… para rin makasabay ka..” Yuko kong wika sa kanya. Nag-angat naman ako ng aking mukha ng halikan niya ako sa aking noo. “I’m sorry Honey, nagmamadali kasi ako kanina at ayoko rin na gisingin ka, dahil mahimbing ang tulog mo kanina.” Aniya habang hinalikan ako sa aking labi. pumulupot naman ang aking mg

