TSO C25 CHARMAINE POV Nang pumasok ako sa dining para kumain ay naabutan ko naman si Jela. Tumingin siya sa akin habang hindi ko siya pinansin. “Pasensya kana kanina,” aniya. “Hindi mo naman kasalanan ‘yon.” Sagot ko sa kanya habang umupo. kumuha ako ng pagkain habang nanatili siya sa aking harapan. “Alam kung nagalit si Adrian dahil sa ginawa mong pag-sumbong kanina.” Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “Bakit ikaw? hindi kaba nagalit sa kanya?” Tanong ko habang nagyuko siya ng kanyang mukha. “Hindi ko naman kailangan magalit Charamine, isa pa gusto ko pala mag-sorry sa ‘yo.” Muli akong napa-angat ng mukha dahil sa sinabi niya s akin. “Saan?” taka kong tanong sa kanya. “Ang akala ko kasi ikaw ang babae ni Adrian…” mabilis naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni Jela

