TSO C29 CHARMAINE POV Lumipas ang limang taon at malaki na ang mga anak ko. minsan na lang din akong pumunta sa tindahan dahil kailangan kong tutukan ang tatlo kong anak. “Caden! akin na ‘yan!!” Napatingin ako kay Manang habang hirap siyang habulin ang anak ko. hindi ko rin napigilan na mapangiti dahil hindi naman si Caden ang hinahabol niya, kun’di si Colt. “Colt! ano na naman ba ‘yang kinuha mo kay Lola?” Tanong ko sa kanya habang nilapitan ko siya. Sa kanilang tatlo si Colt talaga ang pinaka-pasaway. Isa pa hindi rin maiwasan na malilito si Manang sa kanila dahil pareho sila ng mukha at damit. “Si Colt pala ‘to?” Tanong ni Manang kaya lalo akong napangiti. “Bakit ba kasi ako ang pinagbibintangan mo lagi Lola?” Kunot-noo ni Caden habang lumapit sa amin. sa totoo lang kahit ako ay

