“Uuhmm...” Nilingon ko si mommy na siyang umuungol. “Mommy.” Masuyong ginagap ko ang kaniyang kanang palad saka lumapit ako ng husto sa kaniyang tabi. “B-Becky...” nahihirapan niyang usal. “Mommy.” Gusto kong maiyak dahil sa nakikitang paghihirap niya, pero wala ‘di ko pwedeng gawin dahil tiyak na hihina lang ulit ang kaniyang pakiramdam. “Hi, Tita!” Dahan-dahang dumako ang paningin ko sa kabilang bahagi ng kama kung saan banda nakatayo si Stephen. “B-Becky, siya si Ste...” “Magpagaling ka na po, Tita. Hayaan mo, dadalhin ko rito sila mommy at daddy.” Putol ni Stephen sa anumang sasabihin ng aking ina. Nalukot ang noo ko nang marinig ang malambing nitong pakikipag-usap sa’king ina na para bang matagal na silang magkakilala na dalawa. Ngumiti naman si mommy sa kaniya at Iyong ngiti

