Kabanata 16 Langga I feel complete now. Kahit hindi namin kasama si mama, masaya parin ako at ramdam na ramdam ang kakumpletuhan sa sarili. Rimush Almonte, my father is very good in taking care of me. Hindi na ako nagtagal sa hospital dahil madaling gumaling ang mga galos ko, maging ang pananakit ng katawan ay nawala agad ng ilang araw lang. Masaya ako kasi nakita ko na siya, nakasama at nalaman ang tunay niyang pagkatao. Unang-una kong nalaman sa papa ko ay ang pagiging mabait niya. Oo, matulungin siya sa mga taong kapos sa buhay. Nung pumunta ako sa warehouse niya, doon ko napatunayan na mabuti siyang tao. Karamihan sa mga trabahador niya ay mahihirapan at labis na nahihirapan sa buhay. Taos pusong kweni-kwento sa akin ng mga manggagawa niya na hindi lang mabait si papa, kung 'di mala

