Kabanata 12 Hahayaan Lumipas pa ang dalawang araw at hindi parin siya umuwi. Gustong-gusto ko na siyang puntahan ulit sa office niya at doon nalang humingi ng tawad sa kanya. Gusto kong lumuhod sa harap niya at umiyak hanggang sa tanggapin niya ang hinihingi kong tawad. Miss na miss ko na siya, sa tatlong araw na 'yun halos mamatay na ako sa pag-iisip sa kanya. Sa gabi, humihingi ako ng pagkaing gusto ng tiyan ko. Naglilihi na ako ngayon, at wala siya para ibigay ang gusto ko. Si Cadler ay umaalis din para pumasok sa kompanya niya. Sa gabi, siya nalang ang nagluluto ng hapunan namin dahil wala ako sa sarili nitong tatlong lumipas na araw. Napupuno na ako sa sobrang pag-iisip, gusto ko nalang kalimutan ang nakita ko sa opisina niya. Umiyak ako ng umiyak sa loob ng banyo, basang-basa ak

