Simula
The clouds is making the whole world beautiful. The sun give the light and the birds is like a display, making the whole heaven beautiful.
The milieu is tranquil. The town is boisterous. The people is like an turtle, walking slowly. The buildings inert and the famous people emerge. This life is f*****g unfair. Very unfair.
Isa ako sa pinagkaitan ng pagkakataon na makapag-aral, magkaroon ng magandang buhay at higit sa lahat, mamuhay ng tahimik. I am living my life almost hell. I didn't eat three times a day because of lack of food. I wore my dress always, I haven't more dress to change. My family is wreck and I am the result of their consequences.
Bakit ganito ang mundo? Bakit napakadaya? Bakit pinagkaitan ako na mabuhay ng maayos? Bakit ako lang? Bakit ako?
All I want is to live peacefully and happily. All I want is to have a stable job and profession. I want a peace but they didn't let me have. Ang daya! Ang daya-daya!
Pinunasan ko ang luha sa mata bago tumayo mula sa sahig at pinulot ang mga damit na nagkalat. I pick them all and put it back in my worn and addled bag. Maliit lang siya at sakto lang ang sampung pares na damit ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang pilit binabalik ang damit ko doon.
Narinig ko pa ang malutong na mura ng tiyahin ko. Nasa harap ko siya at nakapameywang. Ang sigarilyo ay nasa bibig niya at umuusok na parang bulkan, at ang mata ay nanlilisik sa akin.
I have been in this situation for many times now. Pero ito ang pinakamalupet na ginawa ni auntie. She is very frantic while looking at me. Tumusok ang milyong milyong karayom sa puso ko habang pilit tinitignan ang tiyahin ko. My eyes precipitate for another tears. I kneeled down in front of her and starting hoping to God the she'll give me another chance.
"A-auntie p-parang a-awa mo na, wala po a-akong mapupuntahan ngayon... p-parang a-awa mo na," I entreaty.
Her eyes glaring and didn't care my words. She throw the cigarette out of nowhere and shook her head.
"Wala akong pakialam sayo. Tapos na akong palamunin ka. Wala ka namang kwenta e, at wala akong makukuha sayo. Umalis ka na sa pamamahay ko at wag na wag ka nang magpapakita. Ewan ko ba sa kapatid ko at bakit ka pa pinanganak." Walang puso niyang sabi.
Tinalikuran niya ako at pumasok sa bahay. Umiyak ako habang tumayo at naghintay sa muling pagbukas ng pinto ngunit walang nangyari. She didn't open the door anymore. Tumalikod ako habang humahagulgol. Saan na ako ngayon? Saan na ako pupulutin ngayon?
Wala na akong ibang mapuntahan dahil si auntie nalang ang nag-iisang pamilya ko dito sa Tacloban. Iniwan ako ni mama sa kanya noong sampung taong gulang palang ako at nangakong babalik siya ngunit hindi na pala. Hindi na pala dahil namatay siya sa ibang bansa habang naghahanap buhay.
Kaya galit na galit sa akin si auntie dahil wala nang nagbibigay ng suporta sa akin. Wala nang nagbibigay ng pera sa kanya. At ngayon ay pinapaalis na niya ako sa bahay niya. Ngayon ay wala na akong mapupuntahan.
Naglakad ako habang umiiyak parin, nilisan ko ang lugar kung lumaki ako at nagkamalay sa mundo. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako dito, hindi ko alam kung babalik pa ako. Tinuyo ko ang pisnge at inayos ang sarili. Kaya ko naman sigurong mabuhay ng mag-isa lang diba? Kaya ko naman sigurong mabuhay at maka survive sa mundong ito.
Sinukbit ko ang bag sa likod at naglakad nalang ako ng mabilis para makaalis na dito. Naramdaman ko naman ang sigaw ng tiyan ko, hudyat na nagugutom na ako. Hindi pala ako nakakain ng lunch at ngayon ay hapunan. Nalipasan nalang ako ng gutom. Habang naglalakad sa gitna ng syudad, napahinto ako sa tapat ng isang kilalang fast food restaurant. Maraming kumakain sa loob at nakikita ko din ang mga pamilya na masayang nagsasalo-salo sa pagkain.
Nakaramdam na naman ako ng awa sa sarili habang pinagmamasdan sila. Sana nagkaroon din ako ng ganyang buhay. Sana kasama ko din si mama at papa ngayon. Sana masaya din kami. Mas lalong sumakit ang tiyan ko at nagutom dahil sa nakikita. Kung may pera lang siguro ako, baka kumain na ako dyan. Matagal ko nang pinangarap na kumain dito na kasama ang magulang ko.
It won't happen.
Inalis ko nalang ang paningin sa Jollibee at huminga ng malalim. Bukas maghahanap ako ng trabaho at magsisimula ako ng buhay. Hindi na muna ako papasok sa pag-aaral dahil alam kong maghihirap ako kapag ginusto ko. Sunod na ang pag-aaral kapag nakapag-ipon na ako.
May tatanggap naman siguro sa akin na trabaho diba? Twenty na ako at nasa tamang edad na kaya sigurado akong may tatanggap na sa akin. Siguro may a-apply ako bilang kasambahay, mabuti iyon at may matitirahan pa ako. Pwede din sa mga grocery, cashier o merchandiser. At least may maaasahan ako pagkatapos ng 15 days. Magbo-boarding house nalang ako at bubuhayin ang sarili gamit ang mga kamay.
Ngumiti ako at tumingala sa langit para magpasalamat dahil binigyan ako ng panibagong buhay ng panginoon. I will start all over again, with myself.
Naglakad na ako paalis at naghanap ng matutulugan ngayong gabi. Naglibot ako sa buong downtown at naghanap ng ligtas na matutulugan. Sa huli ay sa Mag's ako dinala ng mga paa ko. Tahimik dito at kaharap ko ang dagat. Walang tao at maaliwalas pa ang langit. Umupo ako sa ilalim ng puno at nilagay ang bag sa sahig, dahan-dahan akong humiga at dinama ang lamig ng sahig. Ayos na ito.
Nagdasal muna ako bago ko ipikit ang mga mata, kahit walang laman ang tiyan ko matutulog nalang ako para bukas ay magsisimula akong maghanap ng trabaho. Pinikit ko ang mga mata na may pag-asa sa sarili.
Nagising lang ako ng tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Kinusot ko ang mata at tinanggal ang muta doon, umupo ako at ngumiti sa panibagong araw. Ngayon na ako maghahanap ng trabaho at sisiguraduhin kong may kakainin na ako ngayon.
Tumayo na ako at umalis para magsimula ng bagong buhay. Dumaan muna ako sa simbahan at nanalangin sa diyos na tulungan ako sa buhay kong bubuohin. Sa maykapal na nagbibigay pag-asa sa amin, nawa'y bigyan niyo ako ng matatag na paniniwala nang sa gano'y hindi ako matalo ng kahinaan.
Lumabas ako ng simbahan at naglakad pa papuntang downtown. Tumingala ako sa naglalakihang gusali, at nakinig sa ingay ng tao. Buhay na buhay na ngayon syudad at gagalaw na dahil sa bagong araw. Ngumiti ako sa sarili ko at pinatatag ang kalooban, kaya ko 'to!
Nagsimula akong mag-apply sa mga maliliit na shop, tulad ng bentahan ng cellphone at mga damit-damit, ngunit hindi nila ako tinatanggap dahil sa kakulangan ng requirements. Huminga ako ng malalim bago umalis sa ikalimang shop na in-applayan ko. Hindi ako susuko, siguro requirements lang talaga ang kulang ko. Naglakad muli ako at nag apply na naman sa isang fast food restaurant.
"Miss dapat magbigay ka ng resume mo para ma-interview ka ng manager namin. Hindi kasi pwedeng basta kunin ka nalang ng McDo, may standard kami at process." Sabi ng guard.
Huminga ako ng malalim. Hindi ba talaga pwedeng mag-apply kahit walang resume? Kahit dishwasher nalang ako.
"Manong guard kasi wala akong resume na dala e. Atsaka hindi ako marunong gumawa nun at bago palang ako dito sa syudad." Ang boses ko ay nagmamakaawa na.
Umiling siya at hindi talaga tinanggap ang kagustuhan ko. Ganito ba ang proseso ng pag a-apply ng trabaho? Kailangan may resume at requirements? Paano ba yan at wala akong ganyan, ni pangkain nga wala akong pambili e.
"Hindi talaga yan pwede miss. Sayang at maganda ka pa naman, pwede ka bilang cashier o entertainment sa mga birthday parties." Sabi ng guard.
Huminga ako at tumango nalang sa guwardiya. Wala naman na akong magagawa, kung ganito ang patakaran nila ay kailangan ko pang mag ayos ng requirements ko. Pero paano? Wala akong pera panggawa ng resume at iba pang documents, kailangan ko ng budget para doon. Nanghihina akong umalis sa tapat ng McDo at naglakad papunta sa kabilang fast food restaurant. Susubukan ko sa Jollibee, baka makapasok ako kahit walang documents.
I smiled again for another chance. I need work badly, I need money for my survival.
Nakangiti ako habang lumalapit sa guard ng Jollibee. Susubukan ko ulit.
"Hi po manong guard." Masigla kong sabi.
Ngumiti ang guwardiya.
"Anong kailangan mo miss?" Sabi niya.
Tinatagan ko ang loob. Smile Ramonita, kaya mo 'to!
"Hmm manong guard mag a-apply po sana ako bilang cashier, pwede po ba?" Buong pag-asa kong sabi.
Ngumiti ang guwardiya at tumango. Nagkaroon ako ng lakas ng loob.
"Oo naman. May dala ka bang resume?" Tanong niya.
Ang sigla at ngiti sa labi ay nawala ng dahil sa resume na iyan. Nalungkot ang mga mata ko habang huminga ng malalim.
"Manong guard ano kasi...wala akong dalang resume e. Hindi ba talaga pwedeng magtrabaho kahit walang requirements?" Namamag-asa kong tanong.
Umiling ang guard.
"Hindi miss e. Iyon kasi ang basehan ng mga manager para sa position mo. Ano bang natapos mo? Maganda ka ah, siguro college graduate ka." Sabi ng guard.
Lumunok ako at umiwas ng tingin. Sa katunayan, hanggang grade 9 lang ang natapos ko. I didn't even enjoy my elementary days and highschool because of hell life with Auntie. Kahit sa graduation namin nung elementary ay hindi ako pinadalo dahil sa kagustuhan niya lang. She never let me feel happiness in my eighteen years of life. I didn't experience happiness, it's all pain.
"H-hanggang grade 9 lang po manong guard e." Nautal kong sagot.
I didn't finished my senior high school because Auntie Clada force me to stop. Hanggang grade nine lang ako at nahirapan pa ngang matapos iyon dahil sa kalupitan ng tiyahin ko.
Mas lalong umiling ang guard at hindi talaga ako papayagan na magtrabaho dito. This is my last hope, God. Ipagkakait pa ba?
"Mas lalo kayong hindi tatanggapin. Kailangan dapat kahit highschool graduate ka lang at may requirements ka. Maganda ka at maraming opportunities na papasok sayo kaso kulang ka sa education at documents. Baka sa pagiging kasambahay ka makuha ineng." Sabi niya at sinarado ang glass door ng Jollibee.
Para akong pinagbagsakan ng langit dahil dito. Wala pang laman ang tiyan at gutom na gutom tapos ito pa ang makukuha ko. Bakit ang daya panginoon? Bakit ganito ang buhay ko? Hanggang ganito nalang ba ako? Walang patutunguhan?
I closed my eyes as my tears shed in my eyes. Mamatay nalang siguro ako sa gutom. Nawawalan na ako ng pag-asa at hindi ko na alam kung saan pupunta. This is my last hope. I figured out earlier, kung hindi ako natanggap sa mga ganitong trabaho paano pa kaya sa malalaki at magarang trabaho? Paano pa sa mall?
Nanghihina akong umupo sa hagdanan ng isang maliit na mall at tinignan ang mga taong pumapasok. Napatingin ako sa Mang Inasal na nasa gilid at tinignan ang mga taong kumakain. Oh God, gutom na gutom na ako. Kailangan ko na ng pagkain at hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ng buhay ko.
Tumayo ako at umalis nalang dahil mas lalo akong nagugutom sa mga nakikita. Wala akong ibang maisip na pupuntahan kung 'di ang simbahan nalang. Kahit nanghihina, pumasok parin ako sa simbahan at umupo sa inupuan ko kanina. Tumingin ako sa panginoon diyos, namuo ang luha sa mata ko habang pinagmamasdan ang nakapako sa krus. Panginoon bigyan niyo ulit ako ng lakas para makahanap ng trabaho, tulungan niyo po ako.
I wiped my tears. Tatayo na sana ako ng may umupong matanda sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at gayundin siya sa akin. Ngumiti ang matanda kaya ngumiti din ako.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin ng malalim.
"Hija matatagpuan ka ulit ng mayaman na lalaking magtatali sayo sa buhay. Marahas at walang puso ang binatang ito ngunit ang kanyang pagmamahal ay tunay. Nawa'y maging matatag ka sa pagsubok ng panginoon sayo. Mag-iingat ka." Banayad niyang sabi sa akin.
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa kanya. Lalaki? Pagmamahal? Diyos ko, pagkain ang kailangan ko hindi lalaki at lalong hindi ang pag-ibig. Wala akong panahon para dyan. At mas lalong hindi ako papasok sa mga ganyan.
Magsasalita na sana ako ngunit nawala ang matanda sa harap ko. Kumunot ang noo ko at hinanap ang matanda sa loob ng simbahan. Nasaan na ang matanda na iyon? Ano ang ibig sabihin niya? Bahagi ba iyon ng buhay ko o sadyang ginugulo lang ng matanda na iyon ang isipan ko. Umiling nalang ako at tumayo para umalis.
Naglakad ako palabas ng simbahan, nahihilo na ako at gutom na gutom na kaya hindi pa ako nakakalayo sa simbahan ay nakaramdam ako ng matinding panghihina ng katawan. Nakatayo pa ako at pilit na naglalakad nang may busina sa gilid ko. Hindi ko iyon napansin kaya napaatras ako at napatingin sa unahan ko.
Dahil sa sobrang panghihina ng katawan, natumba ako sa harap ng kotseng kulay gray at kumikintab pa ang unahan nito dahil sa sikat ng araw. Pinilit kong tumayo ngunit hindi na kaya ng katawan ko kaya ng lumabas ang tao sa kotse hindi ko na nakita pa dahil tuluyan na akong inangkin ng dilim.
Nagising ako dahil sa nanlalamig na katawan. Una kong nakita ang puting kisame, nasaan ako? Nilibot ko ang paningin at nanlaki ang mata ko ng makita ang magandang kwarto kung nasaan ako ngayon. Makapal na kulay itim at puti na kurtina, maluwag at parang sala na kwarto at malinis pa. Nasaan ako? Bakit nandito ako?
Napatingin ako sa kumot na nakatakip sa katawan ko, makapal iyon at hindi ako tuluyang sinasakop ng lamig dulot ng aircon. Lumunok ako at tumayo sa malambot na kama, tumapak sa malamig na sahig. Kinapa ko ang katawan, mayroon pa naman akong suot na damit. Ibig sabihin walang may nangyari sa akin.
Maglalakad na sana ako palabas ng kwartong ito nang may malamig na boses ang sumakop sa buong kwarto.
"Trying to escape? Go ahead and I will kill you." A cold and dark voice echoed.
Nanlaki ang mata ko at natuod sa boses na iyon. Napahawak ako sa puso ng mabilisang kumabog iyon at nakikila ang nagsalita. I swallowed hard.
Hindi ako humarap sa likod kung saan nanggaling ang boses na iyon. Matinding kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit, hindi pa naman ako sigurado kung siya nga iyon. At mas lalong hindi kami pwede magkita. Hinding hindi pwede!
Naglakas loob akong maglakad ngunit napatigil ulit ng marinig ang putok ng baril sa likod ko. Huminto ako at natahimik, kinabahan ng husto at parang maalis na ang kaluluwa sa sarili.
Nanginig ang binti ko gayundin ang kamay dahil sa putok ng baril. Unti-unting namuo ang luha sa mata ko habang pilit tinatatagan ang loob. Hindi siya 'yon! Hindi kami pwede magkita!
"You really forcing me to kill you huh!" He said in very death voice.
Unti-unting pumatak ang luha ko sa sinabi niya. Umiling iling ako habang walang tigil na lumandas ang luha sa mata ko. This is imposible, God this is can't be happen.
Mas lalo akong natakot ng maramdaman ang mainit niyang presensya sa likod ko. Ang kanyang mainit na hininga ay bumubuga sa batok ko pababa sa balikat ko. I nipped my lips so tight. At tuluyan nang naubusan ng lakas ng maramdaman ang isang mapang-angkin na halik sa balikat ko.
Pumikit ako at nanalangin sa diyos na sana hindi ito totoo. Na sana nanaginip lang ako. Hindi kami pwede magkita, at mas lalong hindi kami pwede magkasama dahil ikukulong niya ulit ako.
"Ang bango mo parin...walang pinagbago," Nakakalasing niyang sabi.
I swallowed very hard.
"Ano kaya kung lagyan ko ng kadena ang iyong mga kamay at ikulong ka sa kama ko? What do you think hmm?" Bulong niya sa pagitan ng leeg ko.
Umiling ako at matinding takot ang naramdaman sa puso. Hindi pwede, ayokong makulong ulit.
Nilakasan ko ang loob at tinatagan ang sarili. Hinanda ko ang lahat at pumikit ng mariin bago tumakbo papuntang pinto ngunit natumba lang ako sa malamig na sahig, napatingin ako sa kamay kong nakakulong na sa isang posas na may kadena.
Nanlaki ang mata ko habang nanginginig ang kamay kong may posas na. P-paano nangyari ito? Bakit hindi ko naramdaman na nilagay niya ito? Bakit ang bilis ng pangyayari?
Napatingin ako sa kanya ng tumawa siya ng parang baliw. Nasa kamay niya ang kadena at hinahawakan ito ng mahigpit habang tinitignan ako ng parang aso. Nanlilisik ang mata niya at namumula dahil sa galit. I shook my head and try to stand but I remain sitting because he used a force on me.
"I told you...I'm still your obsessed boyfriend Maria Ramonita. Mabuti nga't natakasan mo ako noon e, pero ngayon tignan natin." He said darkly.
Umiyak ako at sobrang nanginig sa kanya. Bakit ganito panginoon? Bakit ganito ang binigay mo sa akin? Natakasan ko na ito noon pero bakit nandito ulit? Bakit nagbabalik ulit?
"Sasabihin ko ulit ito sayo Monette, mahirap takasan ang baliw na puso lalo na sayo." He said possessively and obsessively.
Fuck it, back to the obsessed arms again.
--
Alexxtott