Lorraine's POV "Bukas na bukas din ay sasamahan kita sa La Salle University upang makapagpa-enroll ka na." sambit niya. Napatingin ako sa kanya at ng makita ko siya ay nakasandal siya sa nakabukas kong pintuan habang nakahalukipkip at pinapanood akong magtiklop ng aking mga damit. Basta ko na lang kasi ito inilagay sa bag dahil nagmamadali na rin kami kanina. "Bakit doon? Hindi ba't masyado naman yatang mahal ang tuition doon?" Nag-aalangang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay hundred thousand ang tuition doon every sem. Bukod pa ang iba pang mga needs ng estudyante, like miscellaneous fee. "Barya lang sa akin ang tuition doon, Lorraine. Isa pa ay isang taon na lang naman ang igugugol mo sa pag-aaral kaya mas mabuti ng sa magandang eskwelahan ka makapagtapos at makakuha ng maayos na

