Lorraine's POV Hindi ako nanalo sa kanya. Talagang hindi niya ako tinigilan kahit sa paliligo ko. Huminto lang yata siya ng sumikat na ang araw at pumasok na sa siwang ng banyo ko. Nagpahinga lang kami saglit. Hinayaan ko siyang humiga lang sa kama ko habang ako ay pumunta na kay Aling Puring at umutang muna ulit ng lulutuin kong agahan namin ni Lumiere. Nagtaka nga ako kung bakit binigyan ako agad at hindi na nagtanong kung kelan ko babayaran ang lahat ng utang namin. Pero sinisigurado kong sa susunod na uwi ko rito ay babayaran ko na ang lahat ng pinagkaka-utangan naming tindahan. Nagluto lang ako ng sunny side-up egg at corned beef. Sinangag ko na lang ang kanin na natira sa sinaing ko kahapon. Habang naghahalo nga ako ng sinangag ay naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa liku

