Lorraine's POV "Nandito na po ako, nay..." pabatid ko kay nanay. Nakaupo siya tabi ng hospital bed ni neneng habang nakaub-ob siya sa kanyang magkapating na braso. Mukhang nakatulog na siya na ganoon ang pwesto dahil pag-angat niya ng ulo niya ay pupungas-pungas pa siya at bahagya pang nasisilaw ang mga mata sa ilaw. "Bakit inabot ka yata ng gabi sa labas? Akala ko ba ay kakain lang kayo sa restaurant? Bakit hindi na kayo bumalik?" Sunod-sunod na tanong ni nanay sa akin. Hindi ko na nga alam kung alin doon ang uunahin kong sagutin. "Ah- eh- Nagpasama pa po kasi siyang mamasyal. Na-miss niya raw po ang mga pasyalan dito sa lugar natin." Alibi ko na lang kay nanay dahil hindi ko naman pwedeng i-kwento sa kanya na hindi naman talaga kami kumain sa restaurant dahil ako naman talaga ang

