Lorraine's Point of View! Hindi pinansin ni Ariel ang sinabi sa kanya ni Lumiere. Hinawi niya ito at dire-diretso siyang pumasok sa loob saka sitting pretty na umupo sa sofa. Binuhay pa nga niya ang tv at nanood na parang walang nagagalit na kapatid. Natawa ako habang nasa likuran ako ni Lumiere. Nagulat naman ako ng bigla siyang humarap sa akin kaya napahakbang ako patalikod. "What's funny? Natutuwa ka ba dahil narito ang kapatid ko?" He sounds jealous pero ayaw kong maniwala na nagseselos siya dahil alam kong wala naman naman siyang nararamdaman na para sa akin. Ang magandang ngiti ko kanina ay nawala. Biglang sumeryoso ang mukha ko dahil naalala kong may kontrata nga pala kami at ayaw kung lumabag sa pinirmahan ko. Hindi ako umimik. "I told you! Don't talk to him! Okay?" Paal

