Chapter 3: First Meet

854 Words
“kausapin mo naman ako Mahal,hayaan moko magpaliwanag” sambit ni Ameigure. “ Ano paba dapat nating pag-usapan Ameigure?nabasa ko lahat ng panloloko mo sakin” sambit ko rito. “ Rhina ” sambit nito “ Tama na Ameigure, sapat na lahat ng nalaman ko” sambit ko sabay umalis at nagsimulang maglakad papalayo. Makalipas ang 1 buwan....... “ Teka anong meron ha?” pagtataka kong tanong kanila Hera at William na ngayon ay magkahawak kamay at nakangiti sakin. “ Kami na” masiglang sagot ni Hera na labis ko rin naman ikinatuwa. “ Woah! Congrats to both of you” sambit ni Kimmy. Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung sinagot ni Kimmy si Ethan at ngayon naman si Hera at William. Habang ako naman ay unti unti nang naka move on sa nakaraan kong karanasan sa relasyon. “Eh kayo ba Kaizer at Rhina kailan magiging kayo?” sambit ni Ethan dahilan para mapuno ang paligid ng tunog na “ayieeeeeeeeee”. “ Sira-ulo! Magkaibigan lang kami ni Kaizer, diba Kaizer?” tanong ko rito ngumiti naman ito at tinaas taas Ang kanyang kilay simboloasabi rin nito na " Oo ". Habang abala kami sa pag kwe-kwentuhan ay biglang may isang matangkad at magandang babae ang pumasok sa aming classroom dahilan para ang lahat ay tumahimik at nag masid. Paglingon ng babae ay bumungad ang isang tipid na ngiti at naghintay ng pagkakataon magsalita habang naghihintay ito ay tumama ang aming mga mata dahilan para kami ay panandaliang magkatitigan. That beautiful eyes......pakiramdam ko ito ang mga mata na matagal ko ng hinahanap, matang nais kong titigan sa pang araw araw ko na buhay....tila isang malakas na electric shock ang tumatama sa puso ko habang tumatagal ako sa pagtitig sa mga matang iyon. “ Okay, let me introduce myself first ” Saad nito matapos maghiwalay ang aming mga mata. “ I am Maria Gracia Costurna, you can call me Ma'am Gracia or Ms. Costurna” saad muli nito. “Wag nga lang Mrs. Costurna itawag niyo sakin nanay ko yon” pagbibiro pa nito dahilan para mapangiti kami. “ Titig na titig ah?” sambit ni Alexa na kanina pa pala sakin nakatingin. “ H-hindi ah ”saad ko sa hindi ko inaasahan na mauutal ako. “ Can you introduce yourself, Ms?” isang boses ang narinig ko mula sa aking harapan, napaka lamig nito at mala angel na boses. “ uhm okay?” Saad ko saka marahan na tumayo. “ Hi Ms. Costurna, I'm Rhina Sanchez you can call me as Rhina for short” sambit ko sabay na yumuko ng panandalian simbulo ng aking pag galang. “ Hi Rhina, nice to meet you ” Saad nito at bago tuluyang lumayo ay tinapik pa ako nito sa balikat. Katulad ng ginawa ko ay Isa Isa niyang inutusan ang lahat na mag pakilala ng kani-kanilang sarili para na rin siguro ay madali niyang malaman at maalala ang aming mga pangalan. Cause I'm in the field of dandelions, wishing on everyone that you'll be mine.....I see forever in your eyes I feel okay when I see your smile....... “ Rhina! ”pagtawag tawag sakin ni Jayson kasabay ng kaunting pag alog niya sakin kanina pa pala ako nakatulala at nakangiti habang hawak hawak ang burger. “ Ok ka lang ba Rhina?” tanong ni Carlos habang ang iba naman ay seryosong nakatingin sakin. “ a-ahh?oo?” Saad ko sabay kamot sa aking sintido. “ Are you sure?” sambit naman ni Kaizer. “ Hell yah ” tipid kong sagot at pinagpatuloy na ang pag kain. Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang lahat sa pagkain. Hindi pa rin mawala wala sa isipan ko si Ma'am Gracia, that eyes, smile even her voice make my heart beat to fast. Pakiramdam ko matagal ko na siyang nakita........is this they call love at first sight? “ Alam niyo si Rhina?feeling ko naba-bakla siya Kay Ms. Costurna ” saad ni Kimmy. “ Oo nga, para siyang naging statue kanina nung bigla siyang nilapitan ni ma'am ” pang sasang-ayon naman ni Alexa. “ Mas maganda parin si Ms. Celdano” Saad ni William. “ Hindi, Mas maganda parin si Ms. Montana” saad naman ni Ethan na sinang-ayunan nila Jayson at Carlos. “ Mas maganda si Ma'am Gracia ” sambit ko kasabay ang paglabas ng maliwag na ngiti sa labi ko. “ Sabi na eh! Crush mo si ma'am noh?” saad ni Kimmy. hindi ko rin alam.... “ Sira! Nagagandahan lang crush na agad?” depensa ko rito. “ Sus... Ganon na rin yon” saad naman ni Hera dahilan para tumawa ang lahat. “ Ewan ko sainyo, jan na nga kayo!”bulyaw ko sa mga ito. 3:36 pm na ng makauwi ako sa bahay hindi na ako nag abala pang pumunta sa kusina para kumain dumaretso na ako agad sa aking kwarto at inilatag ang pagod kung katawan. Matutulog na sana ako ng biglang may nag notification sakin * Rhina Allyson there has a friend suggestions from your mutual friend* agad ko naman ito tinignan at bumungad sakin ang pangalan ni Ms.Costurna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD