Saffire
Walang nagsasalita sa aming dalawa, hila lang ako ni Blake papunta sa kung saan. Wala naman siyang pakielam sa paligid namin. Lahat! Oo as in lahat ng tao sa paligid nakatingin sa 'min.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko na. Kating-kati na dila ko magtanong e.. well, hindi niya ako sinagot pero parang alam ko na kung saan..
Nakarating kami sa bandang likod ng building at binuksan niya ang pinto.. Ang headquarter nila. Sosyal 'no? May sariling headquarter sa school..
Pagkasara niya ng pinto ay agad niya akong yinakap ng mahigpit na daig pang isang taon kaming hindi nagkita.
Akala mo naman last year niya akong yinakap, kagabi lang naman kami huling nagkita. May sapak din e.
"I missed you like hell.." sambit nito at kinulong pa lalo niya ako sa mga bisig niya. "You are not f*****g answering may calls and didn't text me back.." mariing sambit nito.
Inilayo ko siya sa 'kin. Hmm, konti lang naman hehehe. I cupped his face.
Habang patagal ng patagal ang relasyon namin mas lalo ko siyang minamahal..
"Baby, are you mad at me?" Malungkot na tanong nito..
Ha? Mad? Wala namang dahilan para magalit ako sa kanya e.
"H-hey.." nag-aalalang tanong niya ng hindi ako sumagot sa kanya..
"What?" Kemeng inis ko hehe. Papakipot konti..
"I'm asking you, if you're mad at me?" Nangangambang tanong niya.
"Why I —"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ang labi ko.. at akala ko saglit lang pero hinapit niya ako sa bewang, idinikit niya ang katawan niya sa 'kin para mas pailalimin pa ang halikan naming dalawa..
Habol naming dalawa ang hininga namin ng pakawalan niya ang labi ko. Psh!
"Kiss addict.." bulong ko. I heard his chuckled. Ang sarap sa tenga ang tawa niya.
"I'm happy.." sambit nito at hinawakan ang kamay ko papunta sa sofa. Umupo kaming dalawa 'don.
"Hmm. Why?"
"Because I have you.."
Nag blush ako sa sinabi niya! O NAGBLUSH AKO! Hehehe! Eh kese nemen eh!
"Baby you're blushing.." pag-aasar pa niya. Habang nakatura sa mukha kong namumula.
"Sus. Mr. Tristan Blake Park, guni-guni lang yan ng maligalig mong utak!"
"No. I know what I saw. You're blushing. And damn! You're f*****g cute!" Masayang sambit nito at yinakap ako. "-I love you.."
*GRRROOOOO*
Opps? Yung tiyan ko ang sumagot. Hehehe.
"Gutom.." napapahiyang sabi ko. Napatawa na naman siya ng mahina at pinakawalan ako sa yakap niya.
"Hahahahahaha!" Tawa niya! Wow naman. Ang bait ng fiancé ko! Tsk.
"Are you done?" -_- seryosong tanong ko. Gutom na nga ako tatawanan pa ako. Haneeep!
"Lakas maka 'grroo' parang hindi gangster queen.."
"Tsk. Bahala ka dyan!" Inis na sambit ko at akmang tatayo ng hawakan niya bigla ang kamay ko at hinila papunta sa parking lot!
Wala na masyadong estudyante sa labas dahil sa tapos na ang breaktime!
"We have class. Where are we going?" Tanong ko kay Blake ng makarating kami sa parking lot..
He just smiled at me at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niyang Black Ferrari.. Sosyal ang loko! Paiba-iba ng kotse!
"Nice car.." puri ko at pumasok na sa kotse. Umikot si Blake at sumakay na 'rin sa driver seat..
"We're having a date baby.." sabi niya at pinaandar na ang kotse.
Date? Sa oras ng klase?????? Bad influence 'tong kasama ko! Pinag cutting ako e! Raulo!
"Anong meron sa inyo ni Kim?" Bigla kong naitanong. Curious na ako e. Masyadong baliw na baliw sa kanya.
"Who is Kim?" Tanong nito habang ang paningin ay nasa daan.
"Yung nagsasabing pag-aari ka daw niya! Yung kanina! Nakalimutan mo agad? Sus. Blake nakuu!"
"Ohh. That girl? I don't know who is she and I don't care about her.." sagot nito.
"Sus. Blake naku lang!" Nag cross arms ako para kunwari naiinis ako hehe.
"Jealous baby?" Mapang-asar na tanong niya..
"Asa!"
————
"We're here.." sambit ni Blake at nag park na. Napatingin ako sa restaurant na nasa harap namin ngayon..
Wow.. Ito yung kakabukas lang na Fine dine restaurant pero pumatok kaagad.
Agad namang pinagbuksan ako ni Blake ng pinto..
"Thank you my future husband.." nakangiting sambit ko.
"Welcome baby.."
Iginaya niya ako papasok sa restaurant.. Correction hindi lang siya basta resto. Elite restaurant talaga siya.
"Good morning Ma'am and sir.. Welcome to V Restaurant. By the way I'm Jina your food attendant for today. Do you have reservation ma'am and sir?"
"None and a table for two please.." sagot ni Blake ang iginaya kami ni miss food attendant sa vacant table..
~~~
Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming pumasok ni Blake ng room. Oo! Sabay! Dahil ang kumag ayaw na mauna ako o siya! Gusto talaga sabay! Wala daw siyang pakielam na ma-tsismis kame! Hayst! Buhay nga naman hehe.
"Bakit sila sabay?"
"Ang lakas sumabay ng pangit na yan.."
"Oo nga. Tapos parehas pa sila wala kanina.."
Ano ba problema ng mga taong 'to? Puro bulungan! Kaya hindi umasenso ang bansa e! Hays.
"Saan kayo nagpunta?" Tanong ni Flyne ng maka-upo ako! Si Blake naman ay tumabi na sa mga kaibigan niya.
"Kumain lang..." sagot ko. Nakita ko ang paglaki ng mata niya!
"Nagkainan kayo!???" Bulong niya sa 'kin na may pag singhal! Baliw talaga 'tong kaibigan ko! Dumi ng utak hays.
"Luga! Kumain.. hindi nagkainan.." paliwanag ko at napatango na lang siya..
--
"Class dismissed.."
Pagkalabas ng teacher ay agad na lumapit ang dalawang baliw.
"Hey girl.. saan kayo galing ni Blake? Nag ditch kayo ng isang subject ah?" Bungad na tanong ni Stacey ng makalapit siya sa 'min.
"Nagkainan daw sila.." si Flyne ang sumagot.. Talaga nga naman!
"Ha!?? Nagkainan. You mean..."
"Sira! Joke lang. kumain lang sila sa labas.." natatawang sambit ni Flyne.
"Saffire. Hindi naman sa pakielamera ako. Pero, isang rason kaya ka mag disguise ay para matago kung sino ka bang talaga.." paliwanag ni Channel sa 'kin.
"I know.. hindi ko nakakalimutan 'yon.." malumanay na sagot ko at kinuha ang phone ko sa bag.
"Ahm. Alam ng mga gangster ay girlfriend ng gangster king ang gangster queen, at alam ng lahat na si Blake 'yon. Kaya kapag nahalata na may relasyon kayo ni Blake. Iisipin ng lahat na ikaw ang gangster queen.. kaya tiis lang konti, ilang araw lang naman yan diba? Hehe. Kaya layo muna kayo saglit ni Blake sa isa't-isa." Paliwanag ni Channel.
Tama sila.. We need space kapag narito kami sa school.. kailangan naming maging maingat!
"Hindi na mauulit.. pero, kailangan ko 'ring lumayo sa inyo.."
"At bakit ka naman lalayo sa amin, aber?" Mataray na tanong ni Stacey..
"Syempre, kapag kasama ko kayo. Iisipin ng mga tao na gangster din a—Aray naman!" Usal ko ng batukan ako ng pabiro ni Flyne.. letsugas 'to e.
"Hindi na kailangan 'yon Saffire. Dahil hindi alam ng mga tao dito na gangster ang dalawa nating kaibigan.." sambit ni Flyne habang tumataas-taas pa ang kilay.
"Bakit hindi alam?" Takhang tanong ko!
"Ayaw nila na matakot sa kanila ang mga schoolmate natin." Nakangiting sagot ni Flyne..
"Bakit hindi ko alam?" Kunot-noong tanong ko!
"Wala ka kasi kanina. Hinila ka ng fiancé mo.." sagot ni Stacey.
*UWIAN
"Hindi mo ba dala ang kotse mo Saffire?" Tanong ni Flyne sa 'kin nang makarating kami sa parking lot.
"Oo. Nagpahatid lang ako kanina e." Sagot ko at napabuntong hininga na lang.
Si Channel ay umuwi na agad dahil pinapatawag siya ng mga magulang niya. While Stacey, may business meeting pa siyang pupuntahan..
"Hi baby!" Agad akong napalingon sa taong nagsalita sa likod ko at nakita ko si Blake. Damn! Agad akong napatingin sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng walang tao.
"Nakow! Paalala lang. Huwag masyadong pahalata at baka mabuking.." singit ni Flyne at lumapit sa fiancé niyang si Antonio.
"Hatid na kita.." alok ni Blake na nasa harap ko na pala. Napatingin naman agad ako kay Flyne, naka-akbay sa kanya si Antonio. Edi sila na pwede mag PDA! Hmp!
"She's with Antonio.. so, let's go?"
Napatingin ako kay Blake na malapad ang ngiti.. Ang gwapo! Kirebet!
"Bye Saffire! We gotta go!" Paalam ni Flyne at sumakay na siya sa kotse ni Antonio. Naiwan kaming dalawa ni Blake dito sa parking lot.
"Baby mine?" Pukaw ni Blake sa 'kin na nasa pinto na pala ng passenger's seat. I just sighed at agad na pinagbuksan ako ni Blake ng makalapit ako sa kanya.
Sana naman walang nakakita sa 'min ni Blake na magkasama!
"Baby mine.. you're spacing out.." biglang sabi ni Blake nang makaupo siya sa driver's seat.
"Wala lang. Pagod lang siguro ako.. tara na?" Malumanay na sabi ko at tumango lang siya.
Buong byahe na tahimik lang kami. Naramdaman ata ni Blake na wala ako sa mood kaya hindi siya nagsasalita.. Hanggang sa nakarating kami sa mansion.
"Baby mine. Kung may problema tayo.. kung may nagawa akong kasalanan. Sorry.." malungkot at sinseridad na sabi ni Blake ng patayin niya ang makina.
I took a deep breath and face him.. I held his hand. "We have no problem baby mine. U-uhm. I want to ask favor. Huwag muna tayong masyadong mag-usap sa school.."
"W-What? Why?"
"Kasi, alam mo naman na. Alam ng lahat na girlfriend mo ang gangster queen kaya kapag nahalata na masyado tayong sweet, malalaman nila na ako ang kasintahan mo." Paliwanag ko. Nakita ko ang pagiging kunot-noo niya at seryoso.
"Hindi kita lalapitan at kakausapin sa school?" Seryosong tanong niya.
I nodded as a respond. Ilang araw lang naman ang balak kong magpaka nerdy. Kaya kaya namin 'to ni Blake na umarteng hindi kami magkasintahan.
Nakita kong seryoso pa 'rin ang mukha niya at sumandal sa kinauupuan niya.. Nakatingin siya sa labas.. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
"Blake. Naiintindihan mo naman ako diba? At saka, malay mo. One week lang ang pagpapaka nerdy ko." Masuyong sambit ko.
Agad na humarap sa 'kin si Blake at hinigpitan niya ang pagkakahawak ko sa kanya..
"Naiintindihan ko Baby.." mahinang sambit nito at hinalikan ako sa noo na kinadahilan ng pagtulo ng luha ko. "-Ang hirap kasi na hindi kita malapitan, mahawakan, mayakap, mahalikan kapag nasa school. Damn!
Napangiti ako.. Napaka swerte kong nagkaroon ako ng kagaya niya.. "-I love you Blakey ko.." naluluhang sambit ko. Agad na pinunasan niya ang luha sa pisnge ko gamit ang hinlalaki niya.
"I love you more baby.." he whispered and give me a smack kiss on my lips.. "-You complete me. Thank you baby.." he whispered again and crashed his lips against mine..
I love you more Blake.. Maybe you're not my first but I hope you will be my last..