Nang makalayo kaming dalawa sa mga humahabol sa amin nag-sisigaw ako bigla. "Yesss!!! Makikita ko na ulit si Leo my darling!" sigaw ko na lang nang hindi tumatayo sa carpet baka mahulog pa ako. "Ang ingay mo! Imposibleng makita mo si doc Leo dahil alam na niya kung sino ka, Sheena inalis mo ang alaala niya para saan? Para mapa-sa'yo siya kahit hindi ka niya mahal at may sarili na siyang pamilya na dahil sa obsession mo sa kanya hindi mo naisip na may masisira kang pamilya." sigaw niya at inismiran na lang niya ako inirapan ko na lang siya ng matalim. "Masama bang magmahal?" sigaw kong pabalik sa kanya humalukipkip na lang ako ng kamay. "Hindi masamang magmahal pero pumili ka naman ng hindi pamilyado na nakasira ka ng pamilya at ayon oh...may anak na at saka nandito ang asawa." pahayag

